Ang mga kidneys o bato ang siyang nagtatanggal ng sobrang tubig at dumi sa ating katawan. Nililinis at finifilter ang mga kemikal sa ating katawan upang mailabas ang mga ito sa paraan ng pagihi.
Kung ang inyong mga kidneys ay hindi na gumagana ng mabuti, maaaring ikaw ay mayroon ng sak!t sa bato. Ang karamdamang ito ay isang panganib sa kalusugan at buhay ng tao kung hindi matutuklasan ng maaaga at hindi agad nabigyan ng lunas.
Eto ang senyales na dapaat tandaan kung ikaw ay may sak!t sa bato:
1. Pagbabago sa pag-ihi
Narito ang mga pagbabago sa pag-ihi na kailangang bigyana pansin dahil maaaring senyales na ito ng problema sa bato:
Narito ang mga pagbabago sa pag-ihi na kailangang bigyana pansin dahil maaaring senyales na ito ng problema sa bato:
- Hirap sa pag-ihi
- Ihi na kulay "tsaa"
- Ihi na mapula at mabula
- Madalas pag-ihi sa gitna ng gabi
- Madalang at konting pag-ihi na kung minsan ay walang lumalabas
2. Pagmamanas
Kapag hindi gumagana ng tama ang inyong mga kidney mahihirapan itong alisin ang sobrang tubig sa katawan. At ang resulta nito ay "fuild retention" o ang pagmamanas sa mukha, tiyan, binti, at paa.
3. Pagkakaroon ng mga skin rashes o pangangati sa balat
Kapag hindi nailalabas ang dumi sa ating katawan, naiipon ito sa ating dugo. Kaya ang resulta tuyo at irritableng balat na nagiging sanhi ng pangangati at skin rashes.
4. Hirap o kinakapos na hininga
Ito ang resulta ng pagbaba ng red blood cells na nagdadala ng oxygen sa katawan. Kapag konti ang oxygen, ang resulta ay hirap sa paghinga.
5. Ramdam ang sak!t ng pantog, likod at tagiliran
Kapag ang isang tao ay may problema sa bato nakakaramdam siya ng pananak!t ng pantog na tumatagos hanggang likuran.
6. Panghihina at panlalambot
Ang hormone na erythropoietin na ginagawa ng mga kidneys ay siyang tumutulong na magdala ng oxygen sa buong katawan. Kapag hindi ito gumana, ang resulta nito ay pagiging anemic dahil kulang ang nadadalang oxygen sa ating mga cells at dahilan ng panghihina.
7. Pagkahilo at kawalan ng konsentrasyon
Dahil sa kakulangan ng oxygen na dumadaloy sa katawan, nawawalan din ng oxygen ang utak na dahilan ng pagkahilo at kahirapan sa pagko-concentrate.
8. Mabahong hininga at masamang panlasa
Dahil hindi natatanggal ang mga dumi o basura sa ating katawan, nagkakaroon ng "waste buildup" na nagiging sanhi ng bad breath at "metallic taste" o masamang panlasa.
Comments
Post a Comment