Madami talagang natatagong kayamanan ang ating mundo. Isama na rin dito pati ang mga kayamanan na naiwan ng mga sinaunang tao. At kung mapalad ka at natagpuan ang mga ito, isa ka nang instant milyonaryo!
Isang grupo ng mga treasure hunters ng Florida ay nakadiskubre ng isang treasure na naglalaman ng mga rare Spanish gold coins 300 taon na ang nakalipas matapos lumubog ang isang grupo ng mga barko dahil sa isang bagyo habang papuntang Cuba.
Noong July 2015, ang kapitan ng barkong S/V Capitana na si Brent Brisben ang nakadiskubre ng mga 350 na rare coins. Na ang siyam sa mga ito ay tinatawag na "royal eight escudos."
Ang mga espesyal na mga coins na ito ay ginawa para sa hari ng Spain na si Phillip V noong taong 1700s. At ang 9 na coins na ito ay nagkakahalaga sa tumataginting na presyong $300,000 bawat isa o higit 15milyong Piso!
Ayon sa kay Brisben, ang 1715 Fleet Queens Jewels ang nagmamay-ari ng civil liberties ng 1715 ship wreckage. Ika pa niya na bago pa magtagpuan ang 350 na coins ay mayroon na silang natagpuan 20 pieces pa noon.
Kaya naman ito ang naghikayat sa kanila na maghanap pa ng ibang mga kayamanan galing sa lumubog na barko.
Ayon sa scuba diver na si Willam Bartlett, ang buong proseso nila sa pagpagrecover ng mga naturang kayamanan ay umabot ng limang araw. Kinailangan pa nilang gumamit ng watercraft propeller para makagawa ng butas sa sea floor upang maabot ang mga nadiskubre nilang mga mahahalagang bagay.
Ayon sa batas, ang mga narecover na gold coins ay pagmamay-ari na ng United States District Court ng Florida. Ang kanilang bansa ay entitled sa 20% share sa buong treasure na nakita, samantalang ang natitirang share ay mahahati-hati sa mga treasure hunters.
Instant milyonaryo silang lahat! Napakaswerte talaga!
Source: boytrending
Comments
Post a Comment