Mayroon ka bang singaw na hindi mawala wala? Sa sobrang sakit nito, hindi ka makakain nang maayos. Yun bang pakiramdam mo gustong gusto mo ng kumain subalit napipigilan ka ng biglang pagsakit pag nasagi ito ng iyong dila o ngipin.
Ano nga ba ang singaw?
Ang singaw o canker sore ay isang maliit at mababaw na sugat na matatagpuan sa labas o loob ng bibig. Ito ay nagiging sanhi ng kahirapan sa pagsasalita o pangunguya ng pagkain.
Ano nga ba ang sanhi ng singaw?
Hindi pa natutukoy ng mga eksperto ang pagkakaroon ng sigaw. Ang pagkasugat ng mga tissues sa loob ng bibig ay ang pangunahing dahilan ng pagkakariin ng singaw. Isa na rin dahilan ang pag kain ng massim na mga prutas. Ang matalim na ngipin at pustiso ay maari ring makasugat sa bibig at pagmulan ng singaw.
MGA NATURAL NA GAMOT SA SINGAW:
1. Magmumog ng Maligamgam na tubig na may asin
Ang pangunahing home remdey na inirerekomenda sa atin ay ang pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Ang maligamgam na tubig ay nakakatulong na matanggal ang pananakit at pamamaga ng singaw.
2. Magmumog ng maligamgam na tubig na may baking soda
Maaring magmumog ng maligamgam ng tubig na may baking soda. Maari mo rin gawin paste sa pamamagitan ng paghalo ng kaunting tubig lamang at baking soda powder. Ipahid ito sa iyong singaw na parang ointment.
3. Magpahid ng Tawas
Isa sa pinaka common na gamot ng singaw ay ang paglagay o pagpahid ng Tawas powder sa singaw sa loob ng bibig. Tandaan lamang na may stinging effect o hapdi ito pag ka nailagay sa singaw. Tiyak na mawawala at magsasara ang sugat ng singaw kinabukasan.
4. Magpahid ng Asin
Epektibo rin ang pagpahid ng asin sa singaw. Gaya ng tawas, ito rin ay mahapdi pag inilagay sa singaw pero ito ay nakakatulong para matanggal ang singaw. Magpahid ng kaunting asin sa singaw at ibabad ito ng ilang segundo.
5. Gamutin ang singaw gamit ang Agua Oxygenada
Maari mo gamutin ang singaw sa pamamagitan ng Agua Oxygenada o Hydrogen Peroxide. Ihalo ang Agua Oxygenada sa kaunting tubig ay ipahid ito gamit ang bulak.
Para sa akin, pinaka-effective yung tawas as home remedy, masakit nga lang sya. Pero may mga mabisa ring otc gels para singaw. Nakasulat dito ang ilan sa mga effective na gamot sa singaw - https://reviewedbychavez.com/2020/11/19/gamot-sa-singaw/
ReplyDeleteTawas and asin, effective sila na home remedies pero may mga effective din na otc gels na mabisang Gamot sa Singaw
ReplyDelete