Alam niyo ba na marami kayong benepisyo makukuha sa pagkain ng itlog? Ayon sa mga eksperto, sinasabi na ang itlog ay makakabuti sa ating kalusugan kung tayo ay kakain nito ng 2 o 3 sa isang araw.
Narito ang 5 rason kung bakit benepisyal ang pagkain ng 2 itlog sa isang araw:
1. Nakakatulong sa ating utak o brain Cells
Ang itlog ay may nutrient na choline, ito ang isang pinakaimportanteng nutrient na kailangan ng ating utak. Kapag kayo ay kumain ng 2 itlog sa isang araw, makakakuha ng sapat na nutrient ang inyong katawan at makakatulong ito para hindi kayo magkaroon ng choline deficiency na maaring magdulot sa memory loss.
2. Makakatulong sa mata
Ayon sa mga eksperto, ang itlog ay mayaman sa lutein at zeaxanthin na makakatulong sa ating 'retina' sa mata. Ang pagkain ng 2 itlog sa isang araw ay nakakatulong din magpababa na magkaroon ng katarata.
3. Makakatulong sa pagprotekta ng balat at buhok
Ang itlog ay may Biotion at Vitamin B12 na nakakatulong sa pagpapatibay ng buhok at makakapagbigay ng makinis sa kutis. Sagana din ito sa protina na kailangan ng ating katawan.
4. Makakatulong sa pagbawas ng timbang
Ang itlog ay mayaman sa bitamina at nutrisyon na nakakatulong sa pagbabawas ng sobrang timbang sa katawan. Mayroon itong limitadong calories na mahalaga para sa pang araw araw na gawain.
5. Pampalakas ng muscles sa katawan
Ang pagkain ng 2 itlog bawat araw ay nakakatulong sa pagbuo ng maraming muscle sa katawan dahil ang protina ng dalawang itlog ay katumbas ng isang serving ng karne. Ito ay makakapagbigay ng benepisyo sa ating kalusugan at mga muscles sa katawan.
Tandaan: Ilan sa atin ay maaring matrigger ang skin allergy sa pagkain ng itlog o may iba naman sa atin na bawal sa itlog, mas mainam na magpakonsulta muna sa doktor bago gawin ito.
Comments
Post a Comment