Skip to main content

Tips Kung Paano Mo Pakikisamahan Ang Iyong Boss!



Bilang isang empleyado, kailangan mong makisama sa mga katrabaho mo lalo na sa iyong boss. Maswerte ka kung ang boss na natapat sayo ay mahinahon at mabait. Pero kung hindi mo mawari ang ugali at mabilis uminit ang ulo, tiyak na isa ito sa mga magiging dahilan sa mga pahirap mo sa trabaho.

Upang magustuhan ka, kailangan ay magiwan ka ng magandang impresyon sa kanila, matutong mag-adjust, at makisama. Kung gusto ka ng iyong boss, magiging magaan ang iyong trabaho. Kaya paano mo ba dapat pakikisamahan ang iyong superior? Narito ang mga tips na pwede mong subukan:

1. Maging kalma
Kung ang boss mo ay mahilig magpahiya at manigaw ng empleyado, huwag mo siyang patulan dahil unang-una, BOSS siya at wala kang magagawa doon. Ang mabuting gawin ay maging kalmado ka pa rin sa pakikipag-usap at baka sakaling mag-tone down din ang kanyang boses.


2. Ingatan ang galaw sa trabaho
"First impression lasts," ika nga. Maging maingat sa trabaho lalo na kung ang boss mo ay agad kang nakikitaan ng mali. Kung mali ka, aminin mo na lang at magsorry. 

3. Maging honest
Ang pakikipagtrabaho ay parang relasyon din na dapat mong ingatan. Kaya ka tinanggap jan ay dahil pinagkakatiwalaan ka nila yna magagawa mo ang trabahong na-assign sayo. Kaya huwag sirain ang tiwalang binigay nila sayo, maging tapat ka iyong boss. 

4. Ipakita mo na maaasahan ka
Ipakita mo na masipag at useful ka sa kumpanya, kapag nakita ito ng boss mo ay mahihirapan siyang pakawalan ka.

5. Magbigay ng updates sa iyong boss
Kung may iniutos ang boss mo sa trabaho, bigyan mo siya ng update from time to time tungkol sa mga nagawa at natapos mo. Humanap ka ng paraan kung saan ka niya laging nakikita, dahil kung napansin nila na productive ka, makikita nila kung gaano ka kaimportante sa kumpanya.

6. Matutong magsorry kung nagkamali
Dahil tao lamang tayo, nagkakamali din tayo. Kaya kung nagkamali ka, humingi ka na lang ng tawad at bumawi ka na lang. Dahil minsan mas gustong naririnig ng mga boss ang sorry mo kaysa sa pagdepensa pa sa sarili mo.

7. Huwag mawalan ng respeto
Matuto kang respetuhin siya kahit gaano pa kapangit ang ugali niya dahil mas mataas siya kaysa sayo. Ikaw ang dapat na mag-adjust hindi siya ang mag-aadjust para sayo. 

8. Gawin ang best mo sa iyong trabaho kahit ayaw sayo ng boss mo
Minsan, may mga boss na kahit anong tama pa ang gawin mo, para sa kanila may problema ka. Yung tipong ginawa mo na ang lahat pero isang pagkakamali lang ay yon ang ikakabagsak mo sa kanila. Kaya kung mahal mo ang trabaho mo kahit gaano pa kasama ang ugali ng boss mo, huwag na lang itong personalin at gawin nalang ang best mo. 

9. Maghanap na lang ng ibang trabaho
Kung no choice ka na talaga at hindi mo na talaga kayang tiisin ang boss mong may pangit na ugali, mas makakabuti kung maghanap ka na lang ng ibang trabaho. Dahil kung palagi na lang hindi maganda ang trato niya sayo at hindi ka na masaya, mas mabuting magresign ka na lang kaysa magkasakit ka pa sa ginagawa niya sayo 










Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...