Ang ating balat ang siyang pinakamalaking organ sa ating katawan. Ito rin ang nagsisilbing panangga sa mga mikrobyo sa ating paligid dahil pinoprotektahan nito ang ating mga lamang loob o internal organs.
Ngunit dahil sa paggamit ng iba't ibang produkto gaya ng mga matatapang na kemikal, pagbibilad sa matinding sikat ng araw, at polusyon ay unti-unti nating nasisira ang kalusugan ng ating balat. Kaya naman nagreresulta sa pagkakaroon ng tighyawat, pekas, pagka-dry at pagkakaroong ng wrinkles.
Kaya narito ang mga natural na paraan kung paano mo pakinisin ang iyong balat!
1. Katas ng lemon
Ang juice ng lemon ay nagtataglay ng natural na astringent at pwedeng gamitin bilang panlinis sa mga balat na oily. Mabisa din ang lemon na pampaputi at pantanggal ng dark spots sa iyong mukha.
*Magpiga ng kalahating lemon.
*Kunin ang katas nito.
*Ipahid ang katas sa iyong mukha at leeg gamit ang bulak.
*Iwanan sa loob ng 10 minuto
*Banlawan gamit ang maligamgam na tubig
*Maaaring gawin maraming beses sa isang linggo
2. Kamatis
Mabisa ang kamatis para sa pagpapaganda ng balat dahil mayroon itong cooling at astringent properties. Mayaman din ito sa anti-oxidants, vitamin A at C upang labanan ang acne at gawing glowing ang iyong balat.
*Hugasan muna ang iyong mukha bago gawin ito
*Hiwain ang kamatis sa dalawa
*Ipahid ang hiniwang kamatis sa mga lugar na gusto mong pakinisin gaya ng iyong mukha
*Iwanan ang katas sa iyong balat sa loob ng 15 minuto
*Hugasan ng tubig pagkatapos
3. Aloe Vera
Talagang napakaraming benepisyong makukuha sa aloe vera. Ang halaman na ito ay epektibo sa pagpapakinis, pagpapaputi, at pag-moisturize ng iyong balat dahil may natural itong cooling effect sa balat.
*I-extract ang gel mula sa dahon ng aloe vera
*Gawin itong parang mask at ilapat sa balat na gustong kuminis
*Iwanan ito sa loob ng 15-20 minuto saka banlawan
*Gawin ito maraming beses sa isang linggo
4. I-exfoliate ang iyong mukha
Kinakailangang tanggaling isang beses sa isang linggo ang mga d*** skin cells ng iyong balat upang lumitaw ang natural nitong glow.
*Maaring gumawa ng exfoliating scrub sa isang lalagyan.
*Paghaluing mabuti ang 1 tasang pinong asukal, 1/2 tasang olive oil, 1/4 tasang honey
*Habang naliligo, i-scrub ito sa iyong mukha at katawan
*Banlawan pagkatapos
*Gawin ito minsang beses sa isang linggo

Comments
Post a Comment