Ang malunggay o Moringa Oleifera ay isang tropical tree na karaniwang tumutubo sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Tinuturing ito "miracle tree" dahil sa dami ng nagagamot nitong sak!t. Hindi lang ito isang herbal medicine, masarap din itong ipangsahog sa ulam!
Kinikilala ang malunggay bilang "king of super foods" dahil sa mayaman ito sa vitamins A, B, at C pati na rin ang calcium, iron, protein, at phosphorus. Nagbibigay din ito ng sapat na lakas, sigla, nagkokontrol sa cholesterol level at nakakatulong makaiwas sa pagkakaroon ng c****r.
Narito ang limang magandang benepisyo sa ating katawan kapag inaraw-araw mong kumain o uminom ng malunggay!
1. Nakakatulong mabalanse ang blood sugar
Ang dahon ng malunggay ay mayaman sa flavonoids na nakakatulong sa paggawa ng histamine at chlorogenic acid na parehong nakakapagbalanse ng blood sugar levels ng katawan.
2. Tumutulong sa pagprotekta ng mata
Pangunahing nakakasira sa ating mga mata ang pagtutok o paggamit ng mga electronic gadgets gaya ng cellphone, tablets, computer at TV. Kailangan ng katawan ang vitamin A para sa kalusugan ng ating mata. At ang malunggay ay sagana sa vitamin A kaya makakatulong ito sa iyong mga mata.
3. Mabuti para sa atay at kidney
Mayroong detoxifying effect ang dahon ng malunggay sa ating katawan kaya mainam ito para sa kalusugan ng ating atay at kidneys. Kung mahilig kang kumain ng mga pagkaing maaalat o chitchirya ay makakatulong ang malunggay upang ma-detoxify ang iyong katawan.
4. Nakakapagpa-lakas ng resistensya
Kapag nagkakasak!t, nawawalan ng gana ang katawan at humihina iyong resistensya. Kaya't ang pagkain ng malunggay ay nakakatulong dahil sa taglay nitong sustansiya. Mabisa rin itong pampa-gana at pantunaw dahil sa taglay nitong fiber. At nakakatulong labanan ang mga digestive problem gaya ng hyperacidity at stomach ul cers.
5. Nakakatulong magpalakas ng gatas sa mga kakapanganak na ina
May substansya ang malunggay na galactagogue na siyang nagpapalakas sa produksyon ng gatas ng isang kakapanganak na ina. Kaya kung ikaw ay nagbe-br**stfeed ng sanggol, mainam na isama ang malunggay sa iyong diet.
Ang pag inum ng nilagang dahon ng malunggay ay makatulong ba sa pag improve ng motility ng lalaki.
ReplyDeleteNakaka over dose daw ba Ang malungay pag ginawang inumin Ng bata arw arw kht 10ml.lng na nilagang malunggay
ReplyDelete4yrs old ko everyday nag te take Ng malunggay katas puro..di Sakitin
DeleteKatas ng malunggay nakakatulong ba ito sa may sakit ng fatty lever o pananaba ng atay. ?paano inomin 'yong katas ng malunggay ilang beses sa isang araw
ReplyDeleteOkay lang ba kung i-blender ang malunggay leaves at inumin? Mas masustansiya ba ito?
ReplyDeleteNakakatulong pho bha ang katas ng malunggay s my vdrl reactive?
ReplyDelete