Ang mga bitamina ay mga sustansiyang kinakailangan para kalusugan ng ating katawan. Kapag wala o kulang sa bitamina ang pagkain pumapasok sa ating katawan ay nagkakaroon ng vitamin deficiency at panghihina sa resistensya na pwedeng magdulot ng karamdaman at iba't ibang mga sak!t.
Importante ang bitamina sa ating katawan upang tayo ay manatiling malusog at malayo sa anumang sakit. Narito ang 5 importanteng bitamina na kailangan ng ating katawan at kung saan maaaring makuha ang mga ito:
1. Vitamin D
Ang vitamin D ay tumutulong sa mabisang pag-absorb ng calcium sa katawan na mahalaga sa pagpapatibay ng mga buto at ngipin. Malaki ang papel ng bitaminang ito sa paglago, paglaki, at tamang pagkakahulma ng mga cells sa katawan at sa maayos na pagpapagana ng mga kalamnan at neurons.
Pagkain mayaman sa vitamin D:
Gatas, margarina, cod liver oil, tuna, salmon, atay, pulo ng itlog, fortified soy/rice at tamang pag-papaaraw sa katawan.
2. Vitamin K
Ang vitamin k ay kilalang bitamina na tumutulong sa tamang pamumuo ng dug0 o blo0d clotting. Mahalaga ito upang mapigilan ang sobrang pagdurugo kapag nakatamo ng sugat. May ilang pag-aaral din na ito ay tumutulong sa pagpapatibay ng mga buto ng matatanda at tumutulong maiwasan ang pagkakaroon ng Alzhe!mer's dis*ase.
Pagkaing mayaman sa vitamin K:
Spinach, broccoli, green leafy vegatables at atay
3. Vitamin C (Ascorbic Acid)
Ang vitamin C o ascorbic acid ay mahalagang bitamina na tumutulong palakasin ang immune system upang labanan ang mga sak!t gaya ng sipon, ubo, at lagnan. Ito ay isang anti-oxidant na tumutulong sa pagkontra ng mga free radicals, isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakit na c****r. Nakakatulong din ito sa mabilis na paghilom ng sugat at mabuting absorption ng iron sa katawan.
Pagkaing mayaman sa vitamin C:
Citrus fruits gaya na orange, lemon, at dalandan, melon, berries, papaya, bayabas, broccoli, at patatas.
4. Vitamin A
Ang vitamin A ay isa sa mga pangunahing sustansiya na kailangan ng ating katawan. Ito ay responsable sa pagpapasigla ng ating mga mata, pagpapatibay ng immune system, at pagbuo ng mga bagong cells sa katawan. Mahalaga ang papel ng vitamin A upang makaiwas sa mga sak!t tulad ng tigdas, sak!t sa mata, at c****r.
Pagkaing mayaman sa vitamin A:
gatas, isda gaya ng salmon, karne, itlog, gulay at prutas
5. Vitamin E
Ang vitamin E ay kailangan para sa maayos na paggana ng katawan. Ito ay isang anti-oxidant na tumutulong protektahan ang mga cells at tissue mula sa mga mapanirang free radicals na nagdudulot ng maagang pagtanda ng katawan. Kailangan ang vitamin E sa pagpapakinis ng balat, magandang tubo ng buhok at sa magandang formation ng red bl0od cells sa ating dug0.
Pagkaing mayaman sa vitamin E:
Itlog, vegetable oils, margarine, almonds, avocado, spinach, sunflower seeds
Comments
Post a Comment