Minsan ang pagkakaroon ng maitim at hindi makinis na balat ay dahil sa sobrang pagkaka-expose sa araw, polusyon, stress, at sa paggamit ng iba't ibang matatapang na kemikal. Karamihan sa mga kababaihan ang nagnanais ng maputi at makinis na balat. Dahil hindi lang ito nakakaganda kundi nakakapagpataas pa ng self confidence.
Napakaraming produktong pampaputi ngayon ang binebenta, ngunit may kamahalan. Kung gusto mo ng natural at swak sa budget, narito ang ilang mga tips kung paano paputiin ang iyong balat!
1. Yogurt
Ang yogurt ay gawa sa gatas na mayroong likas na nutrients na mabuti sa ating balat. Ito ay mayroong lactic acid na kayang magpaputi at magpakinis ng balat.
Paano gamitin:
*Gumamit ng plain yogurt na mabibili sa mga grocery stores
*Ipahid ito sa iyong mukha/ balat sa loob ng ilang minuto
*Hugasan gamit ang maligamgam na tubig
*Gawin minsang beses sa isang araw sa loob ng ilang linggo
2. Katas ng kalamansi
Ang kalamansi ay may taglay na natural na astringent at whitening properties na kayang magpaputi ng balat. Ngunit dapat isaalang-alang na ang maling paggamit nito ay pwedeng magdulot ng iritasyon sa iyong balat. Dapat tandaan na, iwasang magbilad sa araw pagkatapos maglagay ng katas ng kalamansi sa iyong balat.
Paano gamitin:
*Hugasan muna ang iyong mukha
*Hiwain ang kalamansi sa dalawa
*Pigain ang kalamansi at kunin ang katas nito
*Kumuha ng bulak at hayaang masipsip nito ang katas ng kalamansi
*Ipahid ito sa iyong mukha at leeg o sa parte na gustong paputiin
*Iwanan sa loob ng 15 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig
*Huwag kalimutang maglagay ng moisturizer
Paalala: Iwasang gawin ito kung ikaw ay mayroong sunburn dahil magdudulot ng pagkahapdi ng balat. Gawin lang 2 beses sa isang linggo. HUWAG GAGAWIN ARAW-ARAW!
3. Aloe Vera Gel
Ang gel ng aloe vera ay may taglay na cooling, moisturizing, at whitening effect sa balat.
Paano gamitin:
*Kumuha ng isang dahon ng aloe vera
*Gayatin ang gel nito
*Ipahid ang gel sa mukha o sa parte ng katawan na gusto mong paputiin
*Pwedeng gawin araw-araw
4. Lemon
Gaya ng kalamansi, ang lemon ay may natural na bleaching agent na para sa balat. Mataas din ang content ng vitamin C nito na nakakatulong sa pagtubo ng mga bago cells sa katawan. Mayroon din itong anti-oxidant na tumutulong pagandahin ang kutis.
Paano gamitin:
*Isawsaw ang bulak sa pinigang katas ng lemon
*Ipahid ito sa iyong balat na gustong paputiin
*Iwanan sa loob ng 15-30 minuto
*Banlawan sa maligamgam na tubig
*Maglagay ng moisturizer
5. Patatas
Ang patatas ay mayaman sa vitamin C at mayroon itong anti-oxidant properties na kayang magpaputi ng balat.
Paano gamitin:
*Gumamit ng hilaw na patatas at hiwain ito sa maninipis na piraso
*Ikuskos ang katas ng hilaw na patatas sa iyong balat
*Iwanan sa loob ng 15-20 minuto saka hugasan ng tubig
*Maaaring gawin 3 beses sa isang linggo
Comments
Post a Comment