ANO BA ANG SLEEP PARALYSIS?
Ito ay hindi magandang pakiramdam na hindi mo gugustuhing maranasan. Kung nakaranas na kayo ng natutulog ngunit gising ang iyong utak o diwa, hindi makagalaw at makapagsalita at pakiramdam mo na may nakadagan sa iyo, tiyak kayo ay nakararanas ng sleep paralysis.
Ito ay isang karanasan na hindi mo malilimutan dahil sa dinadala nitong pangamba. Ito ay may dalawang uri ang hypnagogic sleep paralysis at hypnopompic sleep paralysis.
Ito ay isang karanasan na hindi mo malilimutan dahil sa dinadala nitong pangamba. Ito ay may dalawang uri ang hypnagogic sleep paralysis at hypnopompic sleep paralysis.
1. Hypnagogic sleep paralysis ay ang nangyayari bago ka pa makatulog dahil binabaliktad nito ang normal na pagtulog ng isang tao at pinapanatili nitong gising ang utak at nag reresulta ito sa hindi makontrol na katawan o ito ang tinatawag na sleep paralysis.
2. Hypnopompic sleep paralysis naman ay nangyayari tuwing sa buong kalaliman ng pagtulog. Nararamdaman ang kondisyong ito na gising ang itong utak o diwa at alam mo ang nangyayari sa iyong kapaligiran. Ngunit hindi mo maigalaw ang iyong katawan at pakiramdam mo na napakalakas na ng iyong pagsasalita pero ang totoo ay sobrang hina nito at halos walang makarinig. Dala ito ng pagkaparalisa ng iyong mga muscles.
Maiiwasan ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Pagkakaroon ng sapat na tulog
Maiiwasan ang sleep paralysis sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na tulog. Matulog lamang ng 8-10 oras dahil nakakatulong ito upang marelax at maging malusog ang isipan at katawan.
2. Gumamit ng antidepressant na medikasyon
Sa paggamit ng antidepressant medication ay makakatulong sa pagiwas sa sleep paralysis dahil ito ay nakatutulong sa sleep cycle ngunit mahalaga na ikonsulta muna ito at ang iyong kondisyon sa doktor.
3. Umiwas sa stress
Ang pagiisip ng mga problema, sa trabaho o anu pa mang isipin na nagdudulot ng stress ay dapat iwasan para maiwasang maranasan ang sleep paralysis. Iwasan din ito lalo na bago matulog.
4. Magrelax
Nakakatulong ang pagrerelax upang mapahinga ang iyong katawan at isipan. At sa pamamagitan nito mas bababa ang tiyansa mong makaranas ng sleep paralysis.
5. Tamang paghiga sa pagtulog
Nakakatulong ang paghiga sa iyong kaliwang tagiliran upang magkaroon ng maaayos na daloy ng dugo sa iyong katawan. Mabuti rin ito upang maiwasan ang sleep apnea o ang kawalan ng hininga habang natutulog.
Comments
Post a Comment