Isang problema na hindi masyadong nabibigyan ng pansin ang pagkalagas ng buhok o hair fall. Normal lang para sa isang tao na malagas ang 50 hanggang 100 hibla ng buhok sa isang araw. Ngunit kung mas madami na dito ang nalalagas araw-araw ay maaaring makaranas ka na ng pagkaka-kalbo.
Ano nga ba ang sanhi ng pagkalagas ng buhok?
- Stress
- Pagbubuntis o panganganak
- Kakulangan sa nutrisyon o maling diet
- Matapang na kemikal na nilalagay sa buhok
- Namamana o hereditary
- Sakit ng lupus
- Uri ng pamumuhay o lifestyle
- Pagtanda
Narito ang mga paraan kung paano mo maiiwasan ang sobrang pagkalagas ng iyong buhok:
1. Umiwas sa paliligo sa mainit na shower
Ang paliligo ng buhok gamit ang mainit na tubig ay pwedeng gawing marupok ang iyong buhok sa katagalan at maging sanhi ng pagkakaroon ng split ends at paglalagas.
2. Bawasan din ang paggamit ng mga blow dryer, curling iron at flat iron
Ang mga bagay na ginagamit na pang-style ng buhok gaya ng blow dryers, flat iron, at curling iron ay gumagamit ng heat o init mula sa kuryente upang i-straight o i-curl ang buhok. Ngunit ang paggamit nito ng madalas ay maaaring makasunog sa inyong buhok na nagiging sanhi ng pagpuputol-putol at pagka-dry.
3. Umiwas sa laging pagkukulay ng buhok
Ang mga produktong ito ay gumagamit ng mga matatapang na kemikal na maaaring magdulot ng pagiging marupok ng mga hibla ng iyong buhok. At kung ikaw ay sensitibo sa ilang mga sangkap ng nito ay pwedeng magkaroon ka ng mga allergies at malala pa ay pagkakalbo o pagkakaroon ng patches sa iyong ulo.
4. Patuyuing mabuti ang buhok pagkatapos maligo
Huwag talian ang iyong buhok kung ito ay basa pa pagkatapos maligo. Sa halip ay patuyuin muna dapat ito ng mabuti sa malamig na hangin. Iwasan ang pagkukukos ng sobra sa iyong buhok gamit ang tuwalya dahil pwedeng magdulot ng breakage o pagpuputol. Mas mainam kung idampi-dampi lang ang tuwalya sa iyong buhok.
5. Imassage ang iyong scalp
Upang gumanda ang daloy ng dugo sa iyong ulo, kailangan mong imassage ng regular ang iyong scalp. Mas mainam kung mag-pahid ng jojoba oil sa iyong ulo habang minamasahe ito. Ang jojoba oil ay nakakatulong na i-moisturize ang iyong mga hair follicles at patibayin ang mga hibla ng buhok. Makakabili nito sa mga botika o grocery stores.
6. Gumawa ng bawang at coconut oil ointment
Ang bawang ay mataas ang sulfur content na makakatulong patubuin ang buhok. At ang coconut oil naman ay nakakatulog sa pagbabawas ng pagkalagas at pagkaputol.
Paano gawin:
*Mag-prepare ng ilang piraso ng bawang saka ito dikdikin ng mabuti
*Ipaghalo ang dinikdik na bawang sa isang kutsaritang coconut oil
*Pakuluin ang mga ito sa loob ng ilang minuto habang hina-halong mabuti
*Palamigin ito saka i-apply sa iyong scalp at imasahe
*Gawin 2-3 beses sa isang linggo
7. Katas ng sibuyas
Mabisa ang katas ng sibuyas upang mapigilan ang pagkawala ng buhok. Dahil ito ay may mataas na sulfur content na nakakatulong upang pagandahin ang collagen production para sa pagpapatubo ng buhok. Ginagamit din ang katas ng sibuyas sa mga may mga patches na buhok.
Paano gawin:
*I-chop ang sibuyas sa maninipis na piraso
*Kunin ang katas nito gamit ang iyong kamay o juicer
*Ipahid ang juice sa iyong scalp at iwan sa loob ng 15 minuto
*Hugasang mabuti ang iyong buhok
*Gawin ito 2-3 beses sa isang linggo.
8. Bawasan ang stress
Upang mabawasan ang pagkalagas ng iyong buhok ay dapat bawasan din ang stress ng iyong katawan. Magkaroon ng sapat na pahinga at subukang magrelax, kumain ng tama, at magkaroon ng healthy lifestyle.
Comments
Post a Comment