Skip to main content

Check Out Coco Martin's Dream House In Quezon City!



Isa sa mga matagumpay na artista ngayon ay ang artistang si Rodel Nacianceno o mas nakilala bilang "Coco Martin." Ang naipundar na bahay na ito ay bunga ng kanyang pagtya-tyaga at pagsisikap sa kanyang trabaho sa showbiz. At umabot ng tatlong taon bago makumpleto at matapos ang kanyang dream house na naging totoo. 

Silipin niyo ang kanyang napakaganda at napakalaking tropical-inspired home sa Quezon City!

Main Entrance

Bubungad na agad sa main entrance ang mga puno at halaman sa kanyang bahay. Dito pa lang ay nagbibigay na ng tropical vibe ang kanyang tahanan. 

Sala / Living Room

Ayon kay Coco, ginusto talaga niya na ang kanyang sala ay maganda ang ambiance at nakaka-relax na para kang nasa isang hotel. At siguradong nag-invest siya sa mga furnitures na inilagay sa kanyang bahay. Makikita rin ang mga works of art na ginawang pang-disenyo sa kanyang sala. 


Dining Room

Eto naman ang cozy dining area ng kanyang bahay na mayroon 12 seater dining table. 

Kitchen

Eto ang open kitchen area ni Coco na malapit lang sa kanyang pool area. Ito ay fully-equipped ng mga kitchen appliances, oven, at cabinets na paglagayan ng iba pang gamit. 

Bar Area

Mayroon na rin siyang bar sa loob ng kanyang bahay!

Bedroom

Ayon kay Coco, ang inilagay na malaking onyx sa likod ng kanyang kama ay pampasuwerte daw. 

Veranda

Napaka-relaxing ng vibe sa kanyang veranda at perfect spot ito para sa pageentertain ng kanyang mga guests.

Outdoor Area /Swimming pool

Matatagpuan sa kanyang outdoor area ang gazebo kung saan pwedeng magrelax dahil open air. Nakapalibot din dito ang koi fish pond at iba't ibang klase ng halaman. Matatagpuan din dito ang kanyang napakalawak na swimming pool area at jacuzzi na talagang pinasadya niya para makapagswimming ang kanyang mga pamangkin.

Ayon kay Coco, matagal bago makumpleto ang kanyang dream house dahil pinag-ipunan muna talaga niya ito at siniguradong hindi siya nag-loan sa bangko.

Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

5 Amazing Health Benefits ng Langka o Jackfruit na Dapat Ninyong Patuuan ng Pansin!

Ang langka ay isang prutas na may malaking puno, hugis bilugan na pahabang malaking bunga, na may tusok-tusok na kulay berdeng balat, kulay dilaw ang laman sa loob, may mabangong amoy at masarap na lasa. Maaari itong kainin at isama sa mga ibang lutuing pagkain. Hindi lamang ito masarap na kainin nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa katawan at isa rin itong halamang gamot na makatutulong sa mga karamdaman o sakit. Ito ay punong puno ng nutrisyon at benepisyong taglay para sa malusog na kalusugan. Mula sa ugat, dagta, dahon at bunga nito ay nagbibigay ng benepisyo para sa ating katawan na makatutulong sa atin. Subalit pana-panahon lamang ang prutas na langka, kaya naman hanggat mayroon nito, dapat kayong bumili at kumain nito upang makuha ang magandang benefits ng langka. Narito ang mga benepisyong maaaring makuha mula sa langka: 1. Laban sa k^nser Ang langka ay may nilalaman na kayang labanan at pigilan ang k^nser cells sa ating katawan...