Ang puso ng saging ay mayaman sa mga bitamina A, bitamina C at antioxidants na nakakatulong na makapagpalusog ng ating katawan.
Ang puso ng saging ay karaniwang niluluto ng mga Pilipino na may halong gata. Maari itong kainin ng hilaw o steamed. Punong puno ito nga mga benepisyo na maganda para sa ating katawan kaya mainam na kumain nito o ihanda ito sa inyong mga anak para makuha nila ang mga health benefits nito.
Ano nga ba ang importanteng benepisyo na makukuha sa pagkain ng Puso ng Saging?
1. Nagpapatibay ng Uterus
Para sa mga babae, nakakatulong ito upang magpatibay ang uterus. Kung ikaw ay may problema sa hormones o menstrual period, maari mo itong kainin dahil ito ay nakakatulong itong mabawasan ang sobrang pagdurugo.
2. Nakakatulong para sa mga may Anemia
Ang Anemia ay kadalasang kondisyon ng mga Pinoy. Ang pagkain ng puso ng saging ay nakakatulong na makapag-prevent ng kundisyon na ito dahil ito ay may high iron content na nagpapataas ng hemoglobin sa ating dugo sa katawan.
3. Nakakarelieve ng Constipation
Kung kayo ay madalas na constipated, ang pagkain ng puso ng saging ay importante upang ma-relieve ang constipation niyo dahil ito ay punong puno ng soluble at insoluble fiber na nakakapagpalambot ng ating dumi.
4. Nakakatulong kung kayo ay may Ulcer
Ayon sa Organic Facts, ang puso ng saging ay may protease inhibitors na nakakapagbawas ng bacteria sa ating tiyan. Binabawasan nito ang acid secretion sa ating tiyan, kung mataas ang acid sa ating tiyan maaring magdulot sa pananakit ng lining ng stomach o ulcer.
5. Nagbibigay tulong para sa mga may Diabetes
Ang Puso ng Saging ay isang mahalagang pagkain upang makatulong para sa mga may diabetes dahil ito ay nakakatulong makapagpababa ng blood sugar level sa ating katawan lalo na kung ito ay kinain ng boiled at direkta.
Comments
Post a Comment