Isang karaniwang sakit sa ating gastrointestinal system ang pagkakaroon ng pangangasim sa sikmura. Ang karamdaman ito ay nakakaapekto sa upper digestive system na pwedeng magdulot ng sintomas gaya ng pagsusuka, hindi natutunawan, bloating, kabag, at kawalan ng ganang kumain.
Ang nararanasang pangangasim ng sikmura ay pwedeng dulot ng acid reflux, dyspepsia, gastritis, peptic ulcer, at gastroenteritis. At pwede rin dahil sa pagkain ng panis/sirang pagkain, sobrang pag-inom ng mga carbonated na inumin, hindi regular na pagkain at pagkain ng maaanghang o matatabang pagkain.
Narito ang mga natural solusyon na pwede mong subukan upang gamutin ang pangangasim ng iyong sikmura:
1. Apple Cider Vinegar
Mabisa ang apple cider vinegar sa mga taong nakakaranas ng pangangasim ng sikmura, hindi natunawan, bloating, kabag, at ulcer sa tiyan. Nakakatulong ang acidic nature nito upang patayin ang mga masamang bakterya sa loob ng iyong tiyan at ibalik ang normal ph level nito.
- Maghalo ng isang kutsarang unfiltered, organic apple cider vinegar sa isang basong tubig
- Pwede kang maghalo ng kaonting honey para sa lasa
- Inumin 30 minuto bago kumain
2. Baking soda
Ang baking soda ay isang natural na antacid at neutralizing agent na kayang i-stabilize ang extrang acid sa iyong sikmura. Ginagamit din ito sa mga nakakaranas ng heartburn at sa mga hindi natutunawan.
- Maghalo ng 1/2 kutsaritang baking soda sa isang basong tubig
- Haluin ng mabuti upang matunaw ang mga buo-buo
- Inumin
- Uliting makalipas ang 4 na oras kung nararanasan pa rin ang pangangasim
3. Saging
Ang pagkain ng saging bago kumain ay nakakatulong upang makaiwas sa pagkakaroong ng pangangasim sa iyong sikmura. Kaya nito bawasan ang iritasyon sa iyong intestinal walls. Mabisa rin ang potassium content nito bilang isang natural na antacid na kaya i-neutralize ang ph level ng iyong tiyan.
- Kumain ng saging bago kainin ang iyong main meal
- Maaari kang kumain ng 2 hanggang 3 saging sa isang araw
4. Aloe Vera
Mayroon ng mga aloe vera juice ngayon na tinitinda sa mga grocery stores, dahil ang halaman na ito ay napakaraming health benefits sa katawan. Ito ay mayroong anti-inflammatory properties na kayang bawasan ang implamasyon at irritasyon sa iyong tiyan. At kayang bawasan ang pagkakaroon ng pangangasim sa iyong sikmura dulot ng acid reflux.
- Uminom muna ng tubig bago gawin ito
- Gayatin ang dahon ng aloe vera at kunin ang gel nito
- Iblender ang 2 kutsarang gel ng aloe vera sa isang tasang tubig
- Inumin isang beses sa isang araw
5. Luya
Ang luya ay mayroong compound na gingerols na nakakatulong bawasan ang implamasyon at irritasyon sa iyong tiyan kaya nakakatulong sa mga mayroong pangangasim ng sikmura, kabag, at bloating.
- Gumawa ng tsaa gamit ang luya
- Maglagay ng isang kutsaritang ginadgad na luya sa isang tasa
- Buhusan ng kumukulong tubig
- Takpan at hayaan sa loob ng 10 minuto bago inumin
- Inumin ito 20 minuto bago kumain.
Maraming salamat po sa mga impormasyon makakatulong po ito sa nararamdaman ko
ReplyDelete