Ang saluyot o “bush okra” sa ingles ay halamang nakakain bilang gulay sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas lalo na sa Northern Luzon. Ito’y maliit lamang, patusok-tusok ang gilid, at may bulaklak na dilaw sa itaas.
Ito ay karaniwang nakikita malapit sa mga palayan. Tayong mga pilipino ay madalas na kumain at magluto ng saluyot, alam niyo ba na may maganda itong health benefits sa ating kalusugan?
Narito kung ano ang makukuha sa pagkain ng saluyot!
1. Maraming bitamina at mineral ang nakukuha sa dahon na ito
Ang mga mineral at bitamina tulad ng calories, protein, fat, carbohydrate, fiber, calcium, phosphorus, iron, sodium, potassium, beta-carotene, thiamine, riboflavin, niacin, at ascorbic acid ay maaring makuha sa pagkain ng saluyot. Ang mga mineral na ito ay makakatulong upang matanggal at labanan ang mga toxins sa ating katawan.
2. Pwede rin itong maging halamang gamot.
Una, ang dahon nito ay nilalaga at pinapainom sa may s@kit, puwede rin itong patuyuin at pulbusin bago ihalo sa inumin. Pangalawa, ang buto nito ay nakatutulong rin makagamot ng iba't ibang karamdaman. Dikdikin lamang at ihalo sa inumin, pulot o sa pinaglagaan ng luya.
3. Nakakapagpaganda ng ating balat
Alam niyo ba na ito ay makakatulong magpaganda ng kutis dahil mayroon itong vitamin E. Sinasabi na ito ay ginagamit ng kilalang killala na si Queen Cleopatra noong unang panahon sa kanyang pagpapaganda upang siya ay manatiling mukhang bata.
4. Kayang makagamot ng iba’t-ibang kondisyon
Tulad ng ibang mga dahon, ang saluyot leaves ay makakatulong sa mga kondisyon tulad ng hirap sa pag-ihi, kawalan ng ganang kumain, hirap sa pagdudumi, lagnat at marami pang iba.
5. Nakakatulong sa mga kondisyon lalo na sa mga nakakatanda
Ang pagkain o pag-inom ng saluyot tea ay makakatulong upang maayos ang problema tulad ng arthritis, paninigas ng arteries, problema sa puso at kidney lalo na sa mga nakatatanda. Tandaan na ayon sa mga eksperto, ang saluyot ay mas magandang kainin ng hilaw dahil mas mataas ang porsiyento na ating nakukuhang bitamina at mineral kaysa sa saluyot na niluto o pinakuluan.
Tanong kulang po.
ReplyDeleteTongkol sa healht.
Anong klasing sakit po sa babae na kapag ginagalaw po minsan sumasakit ang pusoon nya.
Din kapag bunuhat ng mabigat na bagay ay sumasakit dn pusoon nya.
Kapag tumatayo ng matagal,ng lalakad ng mabilis sumasakit din yon.
Din matagal din sya mka bawas.
Halos umabot ng 5 araw or 6 na araw.
Sana ma tanong po sagot ko
Salamat
Panu kainin ng hilawnet ung saluyot anu ilalagay ir sangkap?
ReplyDeletePwede bang pangamot din sa ulcer ang dahon ng saluyot?
ReplyDeleteThe best talaga ang nilikha ng DIOS sa langit🙏🙇
ReplyDelete