Ang pagkakaroon ng varicose veins ay isa ng karaniwan na problema. Ito ay ang pagpalipit at paglaki ng iyong mga ugat sa paa na nagiging halata sa iyong balat. Kadalasan ang mga ito ay makikita sa legs at paa.
Nagkakaroon nito dahil sa sobrang pressure sa iyong mga veins dala ng matagalang pagtayo, pag-upo, sobrang timbang, pagbubuntis, at pwedeng ito rin ay namamana. Kapag malala na ang iyong varicose veins ay maaaring operahin o ilaser. Ngunit kung nagsisimula pa lang lumitaw ang mga ito ay pwede mo pang agapan sa pamamagitan ng mga home remedies na ito!
1. Malumanay na masahe / Gentle Massage
Ang hindi maaayos na pagdaloy ng dugo sa iyong mga paa ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit lumalaki at lumalala ang kondisyon ng iyong mga varicose veins. Sa pamamagitan ng malumanay na pagmasahe, ma-iimprove ang sirkulasyon ng iyong dugo sa hita at paa.
- I-massage ng dahan-dahan ang iyong mga hita at paa sa pataas na direksyon (upward) gamit ang coconut o olive oil
- Ngunit iwasang idiin ang parte kung saan nakaumbok ang ugat
2. Pagsuot ng compression stockings/ medyas
Ang pagsuot ng compression stockings ay nakakatulong upang hindi maimbak ang dugo sa iyong mga paa. Nakakatulong din ito na itigil ang paglaki at paliitin ang mga variocose veins na dati ng nakalitaw. Makakabili nito sa mga department stores.
3. Pagtaas ng iyong mga paa
Pagkatapos ng matagalang paglalakad o pagtayo, mainam na bago ka matulog ay i-elevate o itaas ang iyong mga paa sa pader o sa dalawang unan. Sa paraang ito, ang mababawasan ang pressure ng dugo sa iyong mga ugat sa paa at maaayos ang sirkulasyon.
4. Pagpahid ng apple cider vinegar
Ang apple cider vinegar ay isa sa mga epektibong home remedies para sa varicose veins. Dahil mayroon itong astringent properties na may kakayahang paliitin ang mga namamagang ugat at iimprove ang sirkulasyon ng dugo.
- Mag-pahid ng apple cider vinegar sa mga varicose veins gamit ang bulak
- Masahihin ito. Gawin araw-araw bago matulog at pagkagising
5. Katas ng Bawang
Ang bawang ay isang herbal na remedyo para bawasan ang pamamaga at implamasyon ng iyong mga ugat. Nakakatulong din ito na alisin ang mga toxins sa iyong ugat at iimprove ang sirkulasyon.
- Maghiwa ng bawang at kunin ang katas nito
- Ipahid ang katas sa parte ng iyong mga varicose veins
- Imasahe ng dahan dahan at ibalot ang iyong mga paa gamit ang isang cotton na tela
- Iwanan buong gabi at gawin araw-araw
Paalala: Mainam na mapigilan ang paglaki ng mga varicose veins upang hindi lumala ang mga ito. Iwasang kamutin o idiin ang mga ito. Ikonsulta sa iyong doktor.
Thank you
ReplyDelete