Alam Niyo ba ang Ensaladang Lato? Isa Pala itong Napaka Healthy na Pagkain Lalo na sa Pagiwas sa Goiter!
Ang ensalada ay hango sa Spanish na salita na ang ibig sabihin ay salad. Kaya naman ang ibig sabihin ng ensaladang lato ay seaweed salad. Ang iba ay nakikita nila ito na hindi masarap ngunit ito ay halo-halong lasa. Puwede ito na maging appetizer, side dishes o dessert. Hindi naman ito mahirap gawin sa katunayan nga konting oras lamang ang kailangan upang makagawa ka nito.
Naririto lamang ang kailangan mong mga ingredients:
¼ lb. ng lato (hugas)
1 malaking kamatis
1 katam-tamang laki ng pulang sibuyas(minced)
¼ cup ng suka
1/8 tbsp. ng durog na paminta
¼ tsp. ng asin
¼ tsp. ng granulated white sugar1. Sa isang malaking mangkok paghaluin ang suka, asin, paminta, asukal, kamatis at sibuyas
2. Ihalo ang lato o seaweed. Hintaying ng 10 minutes
3. I-serve. Mas masarap ito sa ulam na may isda!
Narito ang magandang maidudulot ng pagkain ng lato sa ating katawan:
1. Mayroong Vitamins at Minerals
Lahat naman ng halaman ay may ganito, ngunit sa seaweed o lato ay mayroon itong folate, calcium, magnesium, zinc, iron at selenium at may mataas itong iodine.
2. Ito ay may antioxidants
Ang seaweed ay nakatutulong sa pag-protekta sa oxidative stress at pagiiwas sa pagkakaroon ng chronic diseases tulad ng k*ns3r at mga komplikasyon sa pagproseso ng pagkain sa tiyan.
3. Nakatutulong upang labanan Goiter
Ang lato o seaweed ay punong puno ng iodine at selenium na nakakatulong mapagbuti ng pag function ng ating thyroid lalo na sa mga may hypothyroidism na kondisyon. Ito ay may kakayahan na tulungan i-regulate ang temperatura at cells ng katawan.
4. Pinapatibay ang mga buto
Sinasabi na ang seaweeds ay mayroong mas mataas na porsiyento ng calcium kaysa sa gatas. Ang calcium ay nakatutulong sa pagpapatangkad ngunit habang tumatangkad tayo ay kumokonti ang calcium sa ating katawan. Kaya naman ito na ang solusyon sa pagpapatangkad!
5. Pagpapaganda ng balat
Ito ay nakakatulong sa pagpapaganda ng balat sa paraan ng pagpo-protekta sa mga harmful effects sa ating kapaligiran. Pinapabagal rin ang skin aging process.
Comments
Post a Comment