Skip to main content

Anim Na Senyales Na Mataas Ang Acid Sa Iyong Katawan!



Ang pagkakaroon ng acidic na pangangatawan ay hindi maganda. Kaya nagkakaroon ng acidity sa katawan ay dahil sa sobrang produksyon ng acid ng iyong tiyan. At ito ay nagdudulot ng iba't ibang karamdaman gaya ng heartburn, dyspepsia, implamasyon at ulcer sa tiyan.

Sa PH level ng iyong katawan nasusukat ang hydrogen concentration ng iyong mga body fluids. Ang pagkakaroon ng mababang PH level sa dugo ay ibig sabihin na ikaw ay acidic at mas madaling kapitan ng mga impeksyon at s@k!t.


Narito ang mga senyales na ang iyong katawan ay acidic:

1. Mahina at marupok na buto

Ang pagkakaroon ng acidic na pangangatawan ay nagpapahina ng mga buto dahil hinihila nito ang mga mineral at calcium na kailangan upang maging matibay ang mga buto. Kung madali kang mapilayan o nakakaranas ng maagang sintomas ng osteoporosis, maaaring dahil ang katawan mo ay acidic.

2. Problema sa ngipin

Ang pagkakaroon ng mababang pH level ng katawan ay nagdudulot ng demineralization o ang pagkasira ng iyong ngipin. Ang acidic na pangangatawan ay nakakaapekto sa iyong ngipin, kaya nakakaranas ka ng pangingilo at pagkasira. 

3. Madaling mapagod/ fatigue

Kung ang iyong katawan ay acidic, mas madali itong kapitan ng mga bakterya at virus dahil bumababa ang iyong resistensya. Kaya naman nag-ooverwork ang iyong katawan upang malabanan ang mga microoganism na ito na nagreresulta mababang enerhiya at madaling pagkapagod.

4. Isyu sa balat

Ang pagkakaroon ng problema sa balat ay dahil isa itong senyales na mababa ang iyong pH level. Ang ating balat ay isa sa mga organs ng katawan na kayang magdetoxify. Ngunit kung ang katawan mo ay acidic, nahihirapan itong labanan ang mga bakterya at tanggalin ang mga toxins. At kung hindi na kayang idetoxify nito ang katawan ay maglilitawan ang mga tigyawat, allergies, rashes, at pangangati.



5. Sobrang timbang

Kung ang normal pH level ng iyong katawan ay hindi ma-maintain, nagkakaroon ng excess waste sa katawan sa paraan ng acid. At ang acid na ito ay naitatago sa iyong mga fat cells kaya naman nahihirapan kang magbawas ng timbang. 

6. Pananakit ng mga kasu-kasuan

Ang sobrang acid sa katawan ay nagdudulot ng pananakit ng mga mucles o kasu-kasuan dahil hindi nagkakaroon ng sapat na sirkulasyon ng oxygen ang iyong katawan at hinaharangan ang tamang absorpsyon ng mga bitamina at nutrisyon. 

Paano maiiwasan ang acidity sa katawan?

  • Uminom ng sapat na tubig araw-araw (8-10 baso)
  • Kumain ng maraming gulay at prutas
  • Umiwas sa mga inumin gaya ng kape, softdrinks, at @lak
  • Bawasan ang pagkain ng mga processed meats at chitchirya
  • Kumain ng pakonti-konti at nguyaing mabuti ang pagkain








Comments

  1. Thanks poe sa pa alala banyan poe mga nararamdamanko sa katawanko lage

    ReplyDelete
  2. Ano pong gamot o herbal ang pwede sa may acidic?

    ReplyDelete
  3. Sa wakas may nakita na din akong lunas. Kasi ako nasusuka pag nainum ng kape

    ReplyDelete
  4. I always have rushes all over my body

    ReplyDelete
  5. ano pong mabisang gamot hnd pa rin gumagaling ang acid reflux q hnd na aq kumakaing mga bawal

    ReplyDelete
    Replies
    1. umiwas sa stress at huwag subrang pag iisip sa mga bagay bagay na mkapagbigay syo ng stress sabi yan ng doctor ko

      Delete
  6. my alternatibo ba gamot sa acidic mataas kc ang acid sa katawan ko

    ReplyDelete
  7. Pagtumaas ang acid ksa katwan bakit hangang magdmag ang skit ng sikmura ko.at para matangal ang skit iniinoman knang gabiscon for hurtburn.tama po ba yan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ok dn po gaviscon... ako po ngpcheck ako kc bumblk lalo n heartburn mnsn ngppalpitate pko.. omeprazole bngy skin kso d ako nhyang..bngyn ako maalox tab. Nhyang ako... pro nung stop nko s gmt bmblk ung nrrmdmn ko..sb 3mos dw kc ung acid reflux o gerd... kya evernyt ngttake ako ranitidine...for me ms mgnda mgpcheckup..pra alm kng san k hiyang o kng ano ang pdng gmt

      Delete
  8. Hi po ano po b ang pwede kong kainin para s acidic

    ReplyDelete
  9. Mataas na acid pwede bang maging anxiety..slmat sa ssgot

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes!!i suffered from acid reflux/GERD for more than a year now.I experienced nausea,vomiting,weakness and shortness of breath.I am now having problem with anxiety.I always have great fears always thinking that i will die soon that greatly affects my total whole being.Im always praying to God to strengten my spirit and physical state for my family.

      Delete
    2. pinakamabuting ginawA ipaubaya mo sa panginoon jesus ra mawala ung pagkabalisa mo ganon din ako me acid din ako nabalisa din ako nanalangin ako sa pamginoon napayapa ako

      Delete
  10. Ako din po maacid ako nahirapan ako sa araw2 dami kopo nararamdaman sa sarili ko 5months kona to naramdaman 3x na ako nagpacheck up di Naman po nawawala

    ReplyDelete
  11. Ako ilang taon na itong acid ko d na nga ako nakain Ng bawal ganon pa din nahihirapan na ako

    ReplyDelete
  12. Ako nga Simula 2016 tapos hanggang ngayon nanghihina na mga buto ko tapos hindi nako nakakatulog sa gabe

    ReplyDelete
  13. Ako maskit ktawn ko likod biwang at nangangalay na pas posible bang mataas ang uric acid ko d dn mka tulogsa gbi

    ReplyDelete
  14. Ano poba inomin sa hyper acidic? yung pwede sana sa nagpa bestfreed mom

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dahon ng bayabas ilaga inumin twice a day pgkagcng sa umaga at bago matulog

      Delete
    2. Ganun den po ba pwedeng inomin khit sa hindi nag bebreastfeed

      Delete
  15. Pwedi po ba kojic at kalamansi sa balat kung tingin ei acidic

    ReplyDelete
  16. Acidic din po aq nghihina masasakit kasukasuan,ang inaalala q mga sumasakit qng buto

    ReplyDelete
  17. Ang acidic po ba nag couse din po ba pagubo?

    ReplyDelete
  18. Ung bigla n lng manlalamig para mo tapos nerbyosin k na..mamlalambot ka..sino nkaranas sa inyo ng ganun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same po tayo ako ngchi chill pagmataas acid ko..mataga na acid ko 13years na..

      Delete
    2. Aq poh nanlalmig din mga paa q pagsumpong aq pti nga tiyan q parang ang dming hanging lumalakad.

      Delete
    3. Same po Tayo ganyan din po ako mahirapan pang huminga minsan kaya ako nagkaroon Ng nerbyos pero tiwala lang Kay god Hindi Tayo pababayaan šŸ™

      Delete
  19. ko po nararanasan ko Yan madalas :( Ang hirap nakaka depress na

    ReplyDelete
  20. Ako rin po may acid mnsan nanghhna na prang mtutumba saka mnsan ngsusuka saka sumasakit po upper back ko

    ReplyDelete
  21. Gumagaling po ba ang hyperacidity?

    ReplyDelete
  22. Masakit po talampakan ko masakit i apak acidik po na to

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parehas po tayo konting sabit ng kahit aling parte ng paa ko masakit. Kumukulo pati ang tiyan ko at sumasakit. Tagal na to. Magugulatin pati ako kahit kalansing lang ng kutsara.

      Delete
    2. Ako din simula nung nagkasakit ako sa acid anemic.naging magugulatin ako kahit bagya tunog lng nagugulat ako

      Delete
  23. ako po halos mag 2yrs na ko may panic attacks.Habang tumatagal po.nalalaman ko na dahil pala sa acid kya nagkakaroon ng ganon ang tao.
    Kya po simula nung nalaman ko na ganon,umiwas ako sa ibang mga pagkain.pero may times pdn na nakasumpong sya.recently eh yung kagabi.grabe yung pagkabloated ko na feeling ko ay mamatay nko.nakainom kasi ako ng.coffee nung umagašŸ˜” grabe nung gabi sya umepekto.halos di ako nakatulogšŸ’” kya ang ending puyat ako ngayon.hayyy.Sana makalagpas npo.tayong lahat sa pakiramdam na nakakamatay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. try nyo po Hemp gummies..mabibili sa shoppee..

      Delete
  24. sana po maka tulong..same here po..mataas ang acid..sumasabay pa ang anxiety ko..TRY NYO ANG HEMP GUMMIES..EPECTIVE PO..PARA MAKATULOG KAYO AT MAIBSAN MGA INIISIP FEEL KO PO NARARAMDAMAN NYO

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...