Isang 28 na gulang na ina ang nagsimulang makaramdam ng labis na pangangati ng malapit na ang panganganak niya. Nung una ay hindi nito binigyan ng ibig sabihin dahil akala niya’y parte lamang ito ng pagkabanat dahil siya’y nagdadalantao.
Subalit, nung ika-36 linggo hanggang sa pagbubuntis ay na-diagnose siya ng Intrathepatic Cholestasis of Pregnancy (ICP). Ito ay nangyayari kapag ginulo ng mataas na lebel ng hormone dahil sa pagbubuntis ang daloy ng bile sa pagitan ng Gall Bladder at Liver.
Sinabi rin ng mga doktor na pwedeng makaranas ng mga malalang komplikasyon ang kanyang sanggol kabilang na rito ang “stillbirth”. Kaya nagsagawa sila ng sapilitang panganganak isang linggo matapos siyang ma-diagnose. Nagsilang sila ng isang maliit ngunit malusog na babae.
Ayon sa kanya, madalas siyang nagigising sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog dahil sa pangangati ng kanyang tiyan at dahil na rin sa pagdurugo ng kanyang mga binti at braso dahil hindi niya mapigilan ang sarili sa pagkamot.
Ayon naman sa kanyang doktor, hindi pa rin nauunawan kung ano ang talagang rason ng kanyang pangangati.
Subalit payo ng iba, ang mga ina na may ICP o Intrathepatic Cholestasis of Pregnancy ay may mataas na tiyansa na magkaroon ng panganib ang kanilang dinadalang sanggol sa sinapupunan. Maaari itong hindi maka-survive pagkatapos ng 37 na linggo.
Ang panganganak ng maaga ay isang paraan upang mapigilan ang panganib at posibleng makaligtas sa sanggol. Bilang concerned mom, ibinahagi niya ito upang maging aware ang lahat ng nagbubuntis. "Huwag itong ipagbalewala, maaaring maligtas ang sanggol sa paraan ng pagpapasuri."
Ang karaniwang sintomas ng ICP ay malalang pangangati ng palad at paa ng walang lumilitaw na pantal at mas malalang pangangati sa gabi na maaring hindi umepekto ang mga lunas o paraan dito kung kayo ay may malalang kondisyon.
Comments
Post a Comment