Ang labong o bamboo shoots sa ingles ay kadalasang nakikita sa ating ulam. Ito ay kadalasan na inihahapag sa mesa ng mga Pinoy. May dalawang klaseng luto ang lubong, maaari itong gawing ginataan o ginisang labong.
Sikat lamang ito sa mga bansa ng Asya tulad ng Pilipinas. Ang lasa nito ay may pagka-malutong at matamis-tamis. Ang labong ay hindi lamang madalas na iniluluto, kung hindi ang pagkain nito ay madami pang magagandang maidudulot ito sa ating katawan!
Alamin niyo kung ano ang magandang maidudulot ng pagkain ng Labong:
1. Naglalaman ng mga Vitamins at Minerals na nakakatulong sa mata
Sinasabi na ito daw ay naglalaman ng vitamin A na nakakatulong i-improve ang ating paningin. Mayroon din itong vitamin B6 para naman sa pagpapabilis ng metabolismo, Folate para naman sa pagkakaroon ng komplikasyon sa panganganak, Calcium para sa matibay na buto, Vitamin E para sa matibay na buhok at kuko.
2. Nakapagpapababa ng Cholesterol
Ang pagkain ng labong ay nakapagpapabawas ng lebel ng LDL Cholesterol o bad cholesterol sa ating katawan na nagsasanhi ng pagbabara ng taba sa ating ugat na pwedeng humantong sa heart attack. Ito ay naglalaman ng konting calories na mabuti para sa mga nagdiye-dyeta dahil kapag kumain sila nito, hindi lamang sila papayat kung hindi magkakaroon pa sila ng enerhiya.
3. Mataas na supply ng Fiber
Ang pagkain ng labong ay nakatutulong sa maayos ng pagproseso ng ating digestive system at pati narin sa ating pagdudumi. Sa mga hirap sa pagdumi, kumain lamang ng labong upang mapabilis ang pagtunaw ng laman ng tiyan at makakatulong ito sa maayos na pagbabawas ng dumi.
4. Posibleng gamot sa lason ng alakdan
Sinasabi na nung unang panahon, ang bamboo extracts ay naglalaman ng anti-venomous compounds na nakatutulong sa kagat ng alakdan o scorpion pati narin sa ahas.
5. May mataas na protina
Ang 100 gram ng labong ay mayroong 2 hanggang 2.5 grams ng protein. Kaya sa mga nagpapalaki ng mga muscles sa katawan, ito ay nakatutulong dahil mayroon itong amino acids para makatulong mag-palaki ng muscles.
Comments
Post a Comment