Naranasan niyo na ba na pagkatapos niyong kumain ay parang nakaramdam kayo ng pag-aapoy o mabigat ang inyong dibdib? Maaaring dulot iyan ng heartburn. Ito ay isang karaniwan na problema na nagdudulot ng mabigat na pakiramdam na parang nag-aapoy ang iyong dibdib.
Ito ay dulot ng mga ac!dic juices sa ating tiyan na umaakyat papunta sa ating esophagus o lalamunan. Ang ibang sintomas nito ay maaaring pagduduwal, pamamaga ng tiyan (bloating), kabag, at kahirapan sa paghinga.
Samantala, mayroon namang mga natural na home remedies na mura na at maaari mong subukan upang guminhawa ang pakiramdam sa pagkakaranas ng heartburn:
1. Baking Soda
Ang baking soda ay isa sa mga epektibong paraan upang masolusyonan ang heartburn. Ito ay isang natural na antacid, na kayang i-neutralize ang mga asido sa iyong tiyan at mabigyan ka ng agarang ginhawa. Maaaring maghalo ng 1 kutsaritang baking soda sa isang basong tubig at inumin ito 2-3 beses araw-araw kung kinakailangan.
2. Aloe Vera
Ang aloe vera juice ay mainam sa pagkontrol ng heartburn sa pamamagitan ng pagbabawas ng implamasyon at pinapaginhawa ang iyong tiyan dahil mayroon itong cooling effect. Nakakatulong din ito sa maaayos na digestion ng iyong tiyan.
3. Pineapple Juice
Ang pinya ay nagtataglay ng sangkap na bromelain, isang enzyme na tumutulong kontrolin ang mga asido sa iyong tiyan. Nakakatulong ang pag-inom ng pineapple juice pagkatapos kumain upang mabawasan ang pagkaranas ng hyperacidty at heartburn.
Makakatulong ang pagkain ng ilang hiwa ng mansanas upang pakalmahin ang ac!d production sa iyong tiyan at bawasan ang burning sensation na nagdudulot ng heartburn. Dahil ang mansanas ay kayang i-neutralize ang mga asido sa iyong tiyan.
5. Luya
Ang paggamit ng luya para maibsan ang karamdaman sa heartburn ay isa na sa mga pinakamatagal na ginagamit ng remedyo. Dahil may kakayahan itong i-absorb ang asido sa iyong tiyan at pakalmahin ang mga ugat sa katawan na nagdudulot ng heartburn.
- Maglagay ng isang kutsaritang ginadgad na luya sa isang basong kumukulong tubig
- Salain matapos kumulo at ilipat sa isang baso
- Maaaring magdagdag ng lemon juice para sa lasa
- Inumin ito sa oras na nakaranas ka ng hindi pagkatunaw
Narito pa ang ilang mga paraan upang mabawasan ang pagkakaranas ng heartburn at matanggal ito agad:
- Magmaintain ng tamang timbang
- Magsuot ng maluwag na damit upang mabawasan ang pressure sa iyong tiyan
- Umiwas sa mga carbonated drinks gaya ng softdrinks at mga pritong pagkain
- Iwasan ang humiga agad pagkatapos kumain. Maghintay ng 1 oras bago humiga
- Kumain ng pakonti-konti at iwasan ang maramihang pagkain
- Kung patuloy kang naaabala ng heartburn, ikonsulta na ito sa iyong doktor
Comments
Post a Comment