Ang pagbubuntis ay isa sa mga challenging na stage ng pagiging babae. Dahil hindi lang ang iyong katawan ang pinangangalagaan dito kung hindi pati na rin ang iyong dinadala sa iyong sinapupunan.
Maraming mga bagay-bagay ang iyong dapat isaalang-alang. Isa na dito ay ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at pag-iwas sa mga masasamang bisyo o gawain na maaaring makaapekto sa iyong pagdadalang-tao.
Narito ang mga bagay o gawain na dapat mong iwasan kung ikaw ay nagbubuntis upang magkaroon ng malusog at maayos na pagbubuntis:
1. Pag-iwas sa masamang bisyo
Ang tinutukoy na bisyo dito ay ang pag-inom ng al@k at paninig@rilyo. Dahil ang mga gawaing ito ay nakakasama sa iyong dinadalang sanggol at maaaring magdulot ng iba't ibang komplikasyon sa iyong pagbubuntis gaya ng pagkakunan, premature birth, o birth defects.
2. Pag-inom ng inuming may caffeine
Kung ikaw ay mahilig sa kape, mas makakabuti kung iwasan na lamang ito kung ikaw ay nagbubuntis. Dahil ang kape ay isang stimulant na nakakapag-pabilis ng tibok ng puso at blood pressure na masama para sa mga buntis.
3. Huwag basta basta uminom ng gamot
Kahit ikaw ay nagkaroon ng simpleng lagnat o ubo, huwag basta-bastang uminom ng mga self medicated o over-the-counter na gamot dahil maaaring makasama ito sa iyong baby. Ikonsulta muna ito sa iyong doktor bago uminom ng kahit anong gamot.
4. Huwag ng magsuot ng mgan stilettos o matataas na takong na sapatos
Habang papalapit ka ng manganak ay mas bumibigat ang dinadala sa iyong tiyan. Kaya ang nangyayari ay mas nagkakaroon ng pressure sa iyong likuran. Upang maiwasan ito, magsuot na lamang ng mga sapatos na flat o may mababang takong para mapanatili din ang tamang balanse ng katawan.
5. Umiwas sa mga hot tubs o sauna
Hindi mabuti sa isang buntis lalo na kung siya ay nasa kanyang first trimester o unang tatlong buwan ng pagbubuntis ang pagbabad o pagligo sa mga hot tubs o sauna. Dahil pinapataas nito ang temperatura ng katawan na nakakasama sa sanggol at pwedeng magdulot ng pagkakunan.
6. Huwag tumayo o umupo ng matagal
Iwasan ang nakatayo o nakaupo ng matagal dahil maaari itong magdulot ng pagmamanas sa iyong mga paa. Mas makakabuti na magkaroon ng mga breaks upang makagalaw-galaw at maiunat ang mga binti at paa.
7. Iwasan ang pagkain ng mga hilaw na karne
Ang pagkain ng mga hilaw na karne o itlog ay maaaring nagdadala ng mga foodborne illness na nakakasasama sa iyong kalusugan at sa iyong baby. Siguraduhin na lahat ng iyong kinakain ay luto ng mabuti.
Ilan lamang ito sa mga bagay-bagay na dapat iwasan kung ikaw ay buntis. Panatilihing malusog ang iyong katawan para sa maaayos at malusog na pagdadalang-tao hanggang panganganak.
Comments
Post a Comment