Skip to main content

Mga Benepisyong Makukuha Pag-inom Ng Kape


Ang kape ay isang kilalang inumin na yari sa tinustang buto ng halamang kape. Ang mga buto ay nagmumula sa puno na may katamtamang taas na karaniwang tumutubo sa mabababa at mataas na lugar. Mayroon itong dahon na may makinis na tekstura, at bulaklak na maputi ang kulay. Orihinal itong nagmula sa bansang Arabia, ngunit ngayon at kalat na sa buong mundo.

Ang pag-inom ng kape sa umaga ay hindi lang nakakapagpagising ng ating diwa, mayroon din itong sustansya na naidudulot sa ating katawan dahil sa mga natural na sangkap nito. Bukod pa doon ay mayroon din itong medisinal na bepepisyo. 

Narito ang mga karamdaman at kondisyon na maaring magamot ng kape:

1. Sirkulasyon ng dugo

Nakapagpapabuti ng daloy ng dugo sa katawan ang pag-inom ng kape. Minsan, maaari ding inumin ang pinaglagaan ng dahon para dito.

2. Hika

Ang tinustang buto ng kape na ginawang inumin ay sinasabing mahusay na gamot para sa hika kung regular na iinumin.

3. Typhoid fever

Makatutulong naman maiwasan ang paglala ng sak!t ng typhoid fever kung madalas iinom ng kape.

4. Nakakatulong sunugin ang taba sa katawan

Ang caffeine na taglay ng kape ay isa sa mga natural na substansya na may kakayahang sunugin ang taba sa katawan dahil pinapabilis nito ang metabolismo ng iyong katawan.

5. Panan@kit ng ulo
ar
Ang caffeine mula sa inuming kape ay mabisang pang-alis sa panan@kit ng ulo. Dapat uminom ng matapang na kape kung sakaling makaranas ng panan@kit.

6. Hirap sa pag-ihi

Mabisang pampaihi din pag-inom ng kape dahil ito ay isang natural na diuretic.

7. Pinoprotektahan ka laban sa heart disease at stroke

Ang caffeine sa kape ay nakakatulong pataasin ang iyong presyon. At ayon sa ilang pananaliksik, na ang mga taong mas madalas uminom ng kape ay mas mababa ang tyansang magkaroon ng heart disease at stroke.


Comments

  1. Yes tama lahat ito since i was 36 naging adik n akonsa kape at 46 n akonngayun ok nman ang katwan k sa awa ng Diyos. Hahaha.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

7 Tips Na Dapat Tandaan Upang Hindi Mabilis Mapanis Ang Kanin Na Sinaing

Ang rice o kanin ang 'staple food' nating mga Pinoy. Sa tuwing tayo ay kakain ng agahan, tanghalian, at hapunan ay a na tayo ay nagkakanin.  Ngunit minsan, kung napapansin ninyo ay napapasobra ang inyong nasasaing kaya naman kung hindi ito agad nakakain ay nasisira at nasasayang na lang ito. Kaya narito ang ilang mga tips na dapat tandaan para hindi mabilis mapanis ang inyong kanin. 1. Tiyaking malinis ang kalderong pang-saing Bago magsaing ng kanin, siguraduhing dapat malinis ang kalderong pagsasaingan. Minsan, isa sa mga dahilan kung bakit madaling mapanis ang inyong kanin ay dahil hindi nalilinisang mabuti ang kaldero. Maaaring may mga natirang kanin o di kaya ay mayroong sabon na naiwan. Kaya naman kung nais talagang makatiyak na walang mikrobyong naiwan ay pakuluan ito bago gamitin. 2. Tubigan ng tama ang bigas Isa rin sa mga nakakaapekto sa madaling pagkapanis ng kanin ay ang tubig na inilalagay rito. Makakabuti na kapag luma na ang biga...