Ang Urinary Tract Infection o UTI ay isang kondisyon ng pagkakaroon ng impeksiyon sa daluyan ihi o urinary tract system kasama ang kidneys, ureters, bladder at urethra. Karamihan sa mga UTI, ang naaapektuhan ay ang bladder at urethra ng isang tao.
Ang pagpipigil ng ihi ay maaring maging sanhi ng UTI. Maaring magkaroon tayo ng nito dahil sa mga kinakain natin, sa hindi pag inom ng tubig o pagpigil ng ihi. May mas malaking tyansa na magkaroon ng UTI ang mga kababaihan dahil sa mas maikli ang daluyan ng kanilang ihi at mas mabilis makapasok ang mikrobyo na nagdudulot ng impeksyon.
Mayroong mga gamot na inireresta ng doktor sa paggamot ng UTI, ngunit mayroon ding simple at natural na paraan upang gamutin ito.
Narito at tunghayan kung paano makakatulong ang Pipino at Upo Juice sa taong may UTI:
1. Pipino
Ang Pipino ay maganda sa ating katawan.Maari itong gamiting pampaganda, kainin at panggamot sa iba't ibang karamdaman. Mabuti ito sa taong nakakaranas ng UTI, dahil ito ay may taglay sustansya na makatutulong sa madalas na pag ihi at tinutulungan nito na maiayos ang pagdaloy ng ihi.
2. Upo
Ang Upo ay karaniwang pagkain ng mga Pilipino. Karaniwan itong tinatanim sa mag probinsiya sa kanilang bakuran o bukirin. Ito ay pahaba na kulay berde at marami itong maaring magamot na karamdaman tulad na lamang ng UTI. Mayroon itong diuretic effect o pampaihing kakayahan na makakatulong sa mga taong may impeksyon sa daluyan ng kanilang ihi.
Mga Kailangan:
- 1 pirasong maliit na Upo
- 2-3 pirasong Pipino
Paano gawin:
• Balatan ang pipino at upo
• Hiwain ang mga ito
• Ilagay sa blender o juicer, kung wala nito pigain hangang lumabas ang katas
• Paghaluin ito kapag nakuha na ang katas
• Ilagay sa lalagyanan at maari nang inumin
• Imumin ito ng 2-3 beses sa isang araw
• Maaari ring ilagay sa refrigerator kung gugustuhin
Comments
Post a Comment