Matatagpuan lang sa inyong bakuran ang halaman ng Malunggay na mayroong napakaraming benepisyo para sa mga nanay at sa buong pamilya.
Ang Malunggay o tinatawag ding Moringa oleifera ay malawakang ginagamit bilang sangkap ng gulay sa pagluluto o ginagamit bilang isang natural na herbal na lunas. Ito ay kilala bilang isang napaka-masustansiyang halaman kung saan ito ay ginagamit upang labanan ang malnutrition sa mga third world countries lalo na para sa mga sanggol at mga ina.
Ang Malunggay o tinatawag ding Moringa oleifera ay malawakang ginagamit bilang sangkap ng gulay sa pagluluto o ginagamit bilang isang natural na herbal na lunas. Ito ay kilala bilang isang napaka-masustansiyang halaman kung saan ito ay ginagamit upang labanan ang malnutrition sa mga third world countries lalo na para sa mga sanggol at mga ina.
Ang Malunggay ay pinaniniwalaang naglalaman ng mataas na halaga ng nutrients at nagtataguyod ng pangkalahatang kagalingan. Narito ang mga benepisyo ng Malunggay para sa mga nanay:
1. Nakakadagdag ng supply ng gatas ng ina
Ayon sa mga pag-aaaral, ang mga babaeng buntis na uminom ng sabaw na may malunggay bago manganak at hanggang sa pagkapanganak ay nagpapakita ng saganang produksyon ng gatas.
2. Pinapalakas ang Immunity
Sa pag-aalaga ng bagong panganak hindi maiwasang gumising ng gabi o sa hindi tamang oras kaya humihina minsan ang resistensya. Ang malunggay ay naglalaman ng minerals na tumutulong sa digestion at tinitiyak na ma-aabsorb ng katawan ang nutrients na galing sa pagkain.
3. Gamot sa mga karamdaman sa buto at kasu-kasuan
Ang malunggay ay naglalaman rin ng anti-inflammatory properties na nakatutulong sa pag-iwas at paggamot ng ibang pamamaga. Makakatulong ito sa mga nanay na nakakaranas ng pananak!t ng mga kasu-kasuan sa panahon ng pagdadalan-tao.
4. Mabuti para sa sipon o ubo ng bata
Kapag sinisipon ang baby, pakuluan lamang ang malunggay kasama ang coconut oil at ilagay ito sa anit ng bata araw-araw .Ito ang paraan para huminto ang sipon ng mga baby. Pero hindi ito maaaring gawin sa mga batang 6 months pababa.
5. Pinapawi ang ibang kondisyon na may kaugnayan sa pagbubuntis
Para sa mga inang mayroon hypertension, nakakatulong ang malunggay upang ma-regulate ang blood pressure. Nagpapabilis din ito sa pagpapagaling sa mga kondisyon tulad ng migraines, hika, at ulcers na nararanasan ng mga ina.
Comments
Post a Comment