Ang ating katawan ay mayroong napakaraming nerves. Ito ay parang mga sanga-sangang ugat na nagkokonekta sa bawat bahagi ng katawan papunta sa ating utak.
Ito ang karaniwang daanan ng mga electrochemical impulsese na siyang nagiging linya ng tranmisyon sa pagitan ng utak at sa buong katawan, Nabubuo ito ng mga maliliit na fibers na siyang nagpo-protekta sa mga ito, ngunit kung minsan ay nagkakaroon ito ng pagkasira na siyang nagdudulot ng nerve damage.
Alamin ang mga senyales ng nerve damage upang agad itong maagapan!
1. Pamamanhid na pakiramdam
Ito ang unang senyales ng nerve damage. Kung mayroong injury o may damage sa iyong nerve makakaranas ka ng pamamanhid o pakiramdam na parang tinutusok-tusok partikular sa iyong mga daliri, kamay, at paa.
2. Pags4kit ng apektadong parte
Bukod sa pamamanhid, maaari mo ring maranasan ang panan4kit ng apektadong bahagi gaya ng sa kamay at paa. Nararanasan mo ito dahil sa injury ng iyong sensory nerve na nagdadala ng mga sensations papunta sa iyong utak. At kadalasan, mas malala ang pags4kit nito sa gabi.
3. Panghihina ng iyong kalamnan / muscle weakness
Mayroong partikular na nerves sa katawan na nagbibigay sa atin ng kakayahan na makagalaw. At kung ito ang nagkaroon ng injury, maaaring mawalan ka ng muscle control. At kung sa katagalan ay hindi mo nagagamit ang mga muscles na ito, liliit ang mga ito at manghihina.
4. Cramps o pulikat
Ang cramps o pulikat ay karaniwang nararanasan kung napapasobra ang ehersisyo, dehydration, o vitamin deficiency. Ngunit kung ang iyong nerves ang nagkaroon ng damage, makakaramdam ka rin nito na may kasamang 'twitching' na mas magpapalala ng iyong kondisyon.
5. Matinding panan4kit ng ulo
Kung nakakaramdam ka ng matinding pags4kit ng ulo na parang 'electric shock,' maaaring senyales rin ito ng nerve damage o occipital neuralgia, isang kondisyon na nangyayari kung mayroong nerve sa iyong leeg o batok na naiipit. Agad itong ikonsulta sa doktor.
6. Kawalan ng balanse
Isa rin itong karaniwang senyales ng nerve damage. Huwag balewalain ang senyales na ito dahil maaari mo itong ikapahamak. Kapag ang iyong nerves ay nagkaroon ng damage, mawawalan ng koordinasyon ang iyong utak at body movements na maaaring magdulot ng pagkawala ng balanse at injuries.
Comments
Post a Comment