Ang pagkaranas ng stress ay parte na ng ating buhay. Ang ating katawan ay may natural na reaction sa stress maging sa pisikal man ito, mental, o emosyonal.
Marahil sa iba, minsan ang stress ay nakakapagdulot ng maganda. Ngunit ang pagkaranas ng sobrang stress ay masama lalo na kung naaapektuhan ang iyong pang araw-araw na gawain at nakakapagdulot rin ito ng iba't ibang health issues.
Narito ang mga rason kung bakit ang STRESS ay may malaking epekto sa iyong buhay:
1. Nagdudulot ng mga headaches o s*kit sa ulo
Ang simpleng stress lang ay maaaring makapagdulot ng minor headache o migraine. Ito ay tinatawag na tension headache na karaniwang may kasamang mabigat na pakiramdam sa ulo, mata, at batok.
2. Nakakaapekto sa iyong pagtulog
Hindi maiiwasan ang mag-isip ng kung ano ano tuwing ang katawan mo ay naiistress. At dahil dito maging sa pagtulog mo ay binabagabag pa rin ang iyong utak kaya naman ang resulta ay kahirapan sa pagtulog.
3. Nakakaranas ng mga isyu sa pagtunaw o digestion
Ang stress ay may epekto rin sa iyong digestive system at maaaring magdulot ng hindi pagkatunaw ng pagkain, implamasyon sa tiyan, bloating, at pagsusuka. Ayon din sa mga pag-aaral, ang pagkakaroon ng stressful na buhay ay pwedeng magresulta sa pagkakaroon ng mga gastr0intest!nal problems at ul cer.
4. Pagkadagdag ng timbang
Kapag ang katawan at nakakaranas ng stress, mas mapapakain ang iyong katawan ng mga matatamis at unhealthy na pagkain. At kung patuloy itong nangyayari, madadagdagan ang iyong timbang at pwede ka pang maging obese.
5. Maaaring magdulot ng asthma attacks
Kung ikaw ay mayroong problema sa paghinga gaya ng asthma, hindi makakabuti ang sobrang stress sa iyo dahil pwede nitong palalain ang iyong kondisyon. Kapag ikaw ay naiistress, mas nahihirapan ang iyong katawan na kumuha ng sapat na oxygen na nagdudulot ng mga breathing problems.
6. Pagkalagas ng buhok o pagkakalbo
Ang stress ay maaaring magdulot din ng masamang epekto iyong hair follicles kaya naman mas mabilis na malagas ang iyong buhok o makalbo.
7. May masamang epekto sa puso
Ang pagkaranas ng stress ng matagal ay masama sa ating puso. Maaaring magdulot ito ng high bl0od pressure, paninikip ng dibdib, at irregular na heartbeat. Kung ang iyong puso ay nakakaranas ng matinding stress, pwede kang magkaroon ng heart problems at mataas ang tyansa mo na magka-heart att^ck.
8. Pinapahina ang iyong resistensya
Tuwing nakakaranas ng stress, nababawasan ang produksyon ng 'good' prostaglandins na siyang sumusuporta sa pagkakaroon ng malakas na resistensya. Kaya naman nakakaapekto ito sa iyong immunity laban sa colds, flu, at mga impeksyon.
itona cgro ang nraramdaman ko ngayon..mbigat yong ulo ko lgi akong prang nasusuka at d mktulog 😢
ReplyDelete