Alam Niyo ba ang Dahon ng Tawa-tawa? Ang Dami palang Kagamitan Nito na Makakatulong sa Inyong Karamdaman!
Ang mga Pilipino ay nakasanayan nang ginagamit na panggamot sa mga karamdaman ang mga halamang gamot o herbal medicine. Tatalakayin natin ngayon ang benepisyong makukuha sa halamang tawa tawa.
Ang halamang tawa tawa ay isang halaman na tumutubo sa mga bakanteng lote na kasama ng mga damong ligaw at karaniwan itong makikita sa Pilipinas. Kulay berde ang buong halaman na ito at pinaliligiran ng balahibo. Ang mga dahon naman ay mapapansin na magkakapares-pares na tapat-tapat at may maliliit na bilog-bilog sa ibabaw nito. Kilala itong ipinaggagamot sa Dengue Fever.
1. Dengue Fever
Kilala ang halamang tawa tawa na makatutulong sa paggamot ng s4kit na Dengue na nadiskubre ng mga Pilipino. Pinakukuluan ang halamang tawa tawa at ipinaiinom sa taong may dengue fever upang makatulong marehydrate ang katawan.
2. Altapresyon
Ang tawa tawa ay makatutulong din sa taong may High Blood Pressure dahil may kakayahan itong magpababa ng dugo sa ating katawan. Mag-laga ng sapat na dahon ng tawa-tawa at inumin ang katas nito. Subalit importante padin ang pagkonsulta sa inyong doktor upang makasiguro kung pwede ba ito sa inyo.
Ang paginom ng tawa tawa tea ay makatutulong sa paggamot sa pagkakaroon ng kondisyon na asthma at bronchitis, dahil sa paginom nito ay matutulungan na makahinga ng maayos ang taong may hika o hirap sa paghinga.
4. Pagtatae
Ang pagtatae ay nakukuha sa mga pagkain ng nakontamina na pagkain na maaaring may virus at bacteria. Kung napansin niyo na kayo ay nakakaranas ng pagtatae, uminom ng katas ng tawa tawa upang makatutulong ito sa pagtigil ng pagdumi o makakagamot sa pagtatae.
5. Para sa Sugat
Ang dinikdik na tawa tawa ay makatutulong sa paggamot ng mga sugat at mapapabilis nito ang paggaling ng sugat. Makatutulong rin ito sa buni, pigsa, kuliti, at rashes. Kumuha ng dahon ng tawa-tawa, dikdikin ito sa mortar at pestle, at ilagay o tapalan ang mga sugat sa katawan.
Comments
Post a Comment