Marami sa atin ang mahilig kumain ng mga instant noodles. Bukod sa madali itong lutuin, ay masarap at malasa pa ang mga ito. Kaya marami na rin ang nakahiligan ang pagkain nito dahil mura at swak pa sa budget.
Ang akala ng iba, dahil may kasamang pira-pirasong gulay ang mga ito ay masustansya na itong kainin. Ngunit ang katotohanan, ay punong puno ito ng mga preservatives at mataas ang salt content kaya naman hindi maganda sa ating kalusugan.
Narito ang mga rason kung bakit mo na dapat bawasan o itigil ang pagkain ng mga ito:
1. Naglalaman ng mga harmful preservatives
Ang preservatives ay inilalagay sa mga pagkaing ito upang tumagal ang shelf life at hindi agad masira. Marahil hindi ganoon katapang ang mga kemikal na andito, ngunit kung palagi kang kumakain nito ay maaaring magdulot ito ng carcinogenic effect sa katawan na siyang nagiging sanhi ng k*ns3r.
2. Hindi madaling matunaw
Ayon sa isang pagsusuri, matagal matunaw ang mga instant noodles kapag ito kinain. At sa paraang ito, mas nagiging expose ang ating digestive tract sa mga kemikal at preservatives na napatunayang carcinogenic.
3. Pinapataas ang tyansa sa heart disease
Ang metabolic syndrome ay isang grupo ng mga sintomas na pinapataas ang tyansa ng isang taong magkaroon ng heart disease, stroke, o diabetes. Ayon sa isang pag-aaral noong 2014, ang mga taong kumakain ng instant noodles 2-3 beses sa isang linggo ay tumataas ang tyansang magkaroon ng metabolic syndrome. Kung saan nararanasan nila ang high blood pressure, mataas na kolesterol, high blood sugar, at pagkataba.
4. Mataas ito sa saturated fats o bad cholesterol
Maging ang mga seasoning ng mga instant noodles na ito ay mayroong oils na mataas sa saturated fats o ang tinatawag na bad cholesterol para sa ating katawan. Kaya ang pagkain ng mga ito ay pinapataas ang tyansa mong maging mataba o obese.
5. Mataas ang salt content
Ang mga instant noodles ay mataas ang salt o sodium content na hindi maganda para sa ating katawan. Dahil ang pagkain ng sobrang maaalat na pagkain ay nagdudulot ng high blood pressure at sa katagalan ay pwedeng maging heart disease o stroke.
Comments
Post a Comment