Usong uso ngayon ang pag renovate ng mga container truck bilang foodpark, restaurant, foodcart o maging isang bahay na magara.
Kamakailan lamang ang isang social media user na si Kent Vogel ay nagbahagi ng kanyang kakaiba na real-life container house. Nag trending ang kanyang ipinost na litrato sa Facebook na ang dating walang laman na container truck ay naging isang bahay.
Sa una, makikita na ang container truck ay may pirasong metal at biglang lalabas sa inyong isipan ay kung paano niya nagawa ito bilang isang napakagandang bahay. Ngunit wala namang siyentipiko at mahiwagang nangyari sa bahay na ito.
Sa katotohanan, ito talaga ay ang simpleng produkto ng paghihirap, pagtyatyaga, kahusayan sa imahinasyon at simpleng bagay para magawa ang nakakamangha na bahay na dati lamang ay container van.
Ibinahagi ang tuloy-tuloy na pag-aayos sa bahay para makita ang umuunlad nitong istraktura, ipinakita ng uploader ang maliliit na detalye sa kanyang loob ng bahay.
Ipinakita rin niya ang kakaibang gawa ng bahay at nakuha niya na i-plano na baguhin ang ibang materyales nito upang magmukhang bago at kaaya aya sa paningin.
Ang una niyang ginawa ay tinangal niya ang mga corrosion at inisip na ilagay piece by piece ang tinatawag na foundation ng naturang lalagyang bahay ng mga matitigas na kahoy at ang mga electric wires sa bahay.
Pagtapos lahat ng mga pag-install ng mga bagay sinimulan niya ng dekorasyonan ang bawat sulok ng kwarto sa kanyang bahay na ginamit ang paglalagay ng minimalist design para i-maximize lahat ng espasyo nito.
Sa huli, makikita talaga kung paano nabago ang dating lalagyan o container truck na isang napakagandang bahay na ngayon at maaari ng itong matirhan. Marami ang humanga sa kahusayan niyang gawin itong bahay na sa kanyang dinanas na hirap para magawa ito ay nagbigay siya ng inspirsyon sa mga tao na hindi imposible ang mga bagay.
Comments
Post a Comment