Skip to main content

Ito Ang Mga Hindi Dapat Gawin Kung Ikaw Ay Umiinom Ng Apple Cider Vinegar!






Ang apple cider vinegar ay maraming benepisyo na maidudulot sa kalusugan, pero may tama at maling paraan kung paano ito gamitin at ang maling paggamit nito ay nakasasama at hindi nakakabuti sa inyong kalusugan.

Alamin niyo dito kung ano ang mga hindi mo dapat gawin kung ikaw ay umiinom ng apple cider vinegar!

1. Kapag ito ay iniinom ng direkta

Marami ang nagagawa ng apple cider vinegar, gaya ng pagbawas ng timbang at pinapalakas ang kalusugan ng puso. Sa totoo lang, mayroon itong hindi kaaya-ayang lasa kaya naman ito ay kadalasan na hinahalo sa honey. Ang iba ay iniinom ito ng mabilisan subalit dahil sa taas ng acid content nito ay maaring makasama sa ating esophagus.


2. Inumin pagtapos kumain

Kapag nasanay kana sa pag-inom ng apple cider pagkatapos kumain ay mas gugustuhin mo na baguhin na ito. Dahil ang pag-inom nito ng walang laman ang tiyan ay ang mabuting paraan para magamit ang mga benepisyo. Ayon sa mga experto, dapat inumin ito ng 20 minutes pagkatapos kumain para mag digest ang apple cider vinegar.

3. Langhapin ito

Maganda nga ang apple cider sa puso at digestive track, ngunit ito ay maaaring makasama sa inyong lungs. Kaya mas mabuting iwasan na langhapin ito kapag iniinom dahil maaaring magkaroon ng burning sensation sa inyong lungs.


4. Uminom ng napakaraming apple cider

Kapag sumakit ang inyong tiyan o kaya may burning sensation na nararamdaman dapat kontian lamang ang pag-inom hanggang mabawasan ang sakit. Mag simula muna sa konti saka lang dadamihan, para mag adjust sa lasa nito. Dapat ilimit ito hanggang sa 2 kutsara lamang.

5. Inumin ito bago matulog

Ang pag-inom ng apple cider bago kumain ay mabuti pero ang pag-inom nito bago matulog ay nakasasama sa inyong kalusugan. Dahil maaapektuhan ang esophagus kapag tumama ang acid habang ikaw ay nakahiga. Kinakailanggan na nakatayo ka ng 30 minuto pagtapos inumin ito para masigurado na walang irritation na mangyayari sa esophagus. Ito ay recommended na inumin kalahating oras bago simulang ang iyong araw. 


Comments

  1. Pwede ba mg apple cider ang anemic

    ReplyDelete
  2. Pwede PO ba ako uminom Ng apple cider vinegar ako PO ay higthblood nagmemaintenace PO ako sa higthblood PO

    ReplyDelete
  3. Pwede poba sya inomen before kumaim o kailangan pag tapos po talaga?

    ReplyDelete
  4. pagkatapos kumain guys mga 20mnts before uminom ng apple cider

    ReplyDelete
  5. Pede po ba ang apple cider sa nskit ang tyan.operado po sa gallstone 3 years ago.thanks

    ReplyDelete
  6. Pede po ba ang apple cider sa nskit ang tyan.operado sa gallstone 3 years ago.

    ReplyDelete
  7. Pwede po ba inumin ang apple cider vinegar habang nagtatake ng gluta capsules?

    ReplyDelete
  8. Puwde po pa uminum ng apple cider na nag pills contraceptive.

    ReplyDelete
  9. Pwede po ba uminom Ng apple cider Kahit po may UTI at Uric Acid po ako

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...