Ang liver o atay ay isa sa mga pinakaimportanteng organ sa katawan dahil ito ang naglilinis ng ating dugo, gumagawa ng produksyon ng bile na siyang kailangan sa digestion, nagtatago ng glycogen na kailangan para sa enerhiya ng katawan.
Kung nagkaroon ka ng problema sa iyong atay, ilan sa mga vital organs mo rin ay maaapektuhan. At kung ang atay ay tuluyang nasira, hindi mabubuhay ang isang tao.
Kaya mainam na malaman ang mga maagang senyales na ito ng LIVER DAMAGE na kadalasan ay binabalewa lang. Makakabuti na maagapan ito kaagad bago pa tuluyang maapektuhan ang iyong buong pangangatawan at malagay sa peligro ang iyong buhay!
1. Paninilaw ng balat o mata
Ang kondisyong ito ay tinatawag na "jaundice," na kung saan ang balat at paligid ng mata ay nagkakaroon ng paninilaw o yellowish skin. Ito ang pinakaunang maaagang senyales ng liver damage. Resulta ito ng pagkakaroon ng bilirubin buildup sa katawan na hindi na kayang tanggalin ng iyong atay dahil nga nakompromiso na ito.
2. Panan4kit sa tiyan
Kung kadalasang sumasakit ang kaliwang bahagi ng iyong tiyan, mainam na magpacheck up kaagad sa iyong doktor. Dahil ang pagkakaroon ng matinding panan4kit at cramps sa bahaging ito ay isang indikasyon na mayroong problema sa iyong atay.
3. Pagbabago sa ihi at dumi
Kasabay ng ilang mga sintomas na nabanggit, mainam din na suriin ang anumang pagbabago sa pagihi o pagdumi. Kung nagkakaroon ng discoloration sa mga ito, maaaring dulot ito ng pagkasira ng iyong liver.
4. Bloating o paglobo ng tiyan
Ang pagkaranas ng biglaang paglobo ng tiyan o bloating ay isang sintomas ng liver malfunction. Nangyayari ito kapag ang iyong atay ay nagre-retain ng fluid kaya ang resulta ay paglobo ng iyong tiyan.
5. Acid reflux at pagsusuka
Isang maagang senyales rin ng liver damage ang pagkakaroon ng acid reflux. Dahil kung ang iyong liver ay na-damage, naitutulak nito ang mga digestive juices pabalik sa iyong lalamunan na nagdudulot ng hindi pagkatunaw ng pagkain at pagsusuka.
Paalala: Alin man sa mga maagang senyales na ito ay hindi dapat balewalain at kinakailangan agad ng atensyong medikal. Makakabuti na huwag nang patagalin bago magpacheck up sa isang doktor para mabigyan agad ito ng lunas at upang hindi na magprogreso sa mas malalang kondisyon.
Comments
Post a Comment