Ang diabetes ay isang uri ng sakit na kadalasan na nagkakaroon ang karamihan sa panahon ngayon. Maaaring namamana ang pagkakaroon nito lalo na kung may history ang iyong pamilya. Maaari din naman itong maiwasan sa wastong pagkain at pangangalaga sa katawan.
Kung mayroon kang diabetes, pang-habang buhay na itong s4kit. Ngunit maaari naman itong mabalanse para hindi lumala at magdulot ng ibang komplikasyon sa iyong kalusugan. Sa pagkain tulad ng ampalaya, okra, mansanas at carrot ay makatutulong ito sa pagiwas sa pagkakaroon o pagbabalanse sa pagkakaroon ng diabetes.
Ang mga common na hindi kapansin-pansin na sintomas ng diabetes:
1. Pagka-gutom at Matinding Pagkapagod
Ang madalas na pagka-gutom ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng diabetes dahil sa wala itong nakukuhang sapat na enerhiya dahil sa kakulangan ng sugar. Kaya naman madalas tamaan ng pagkagutom ang apektado nito. Ang madalas na pagkain ng sobra ay isang sintomas rin ng pagkakaroon ng s4kit na diabetes kasama ang pagkahapo o madaling pagkapagod.
2. Biglaang pagbaba ng timbang
Kung ang iyong katawan ay hindi makakuha ng enerhiya sa iyong pagkain ay maaaring magdulot ng pagkapayat o pagbaba ng timbang dahil tinutunaw nito ang muscle at taba sa katawan. Ang biglaan at sobrang pagbaba ng timbang ng walang dahilan ay hindi nangangahulagan na ikaw agad ay may diabetes, mabuti pa ring magpakonsulta sa iyong doktor.
3. Madalas na pagkauhaw at pagihi
Ang pagkakaroon ng diabetes ay maaring maging sanhi ng madalas na pag-ihi at pagkauhaw. Dahil kapag mataas ang blood sugar sa katawan, inaalis nito ang sobrang tubig sa pamamagitan ng paggawa ng maraming ihi na nagdudulot ng madalas na pagihi at matinding pagkauhaw.
4. Panlalabo ng Mata
Ang pagkakaroon ng diabetes ay maaaring maging sanhi ng panlalabo ng mga mata dahil apektado ang daluyan ng dugo at tissue sa ating mata. Kaya importante na laging magpacheck up ng iyong mata upang makuha ang tamang diagnosis o sanhi ng panlalabo nito.
5. Sugat na Hindi naghihilom
Ito ang pinaka-kilala na isang sintomas ng diabetes. Kung ikaw ay mayroong sugat, at sa katagalan hindi pa ito gumagaling o naghihilom, maaaring sanhi na ito ng pagkakaroon ng mataas na blood sugar. Naaapektuhan nito ang daloy ng dugo na nagiging dahilan ng pagkasira ng nerve kaya mahihirapan ang katawan sa paghilom ng mga sugat.
6. Dry at makating balat
Ang pagkakaroon ng irritated at makating balat ay senyales na mataas ang sugar sa iyong katawan. Maaari ring makaranas ang isang taong may diabetes ng pangingitim sa kanyang leeg o kili-kili dahil dulot ito ng hormonal change na insulin resistance.
6. Dry at makating balat
Ang pagkakaroon ng irritated at makating balat ay senyales na mataas ang sugar sa iyong katawan. Maaari ring makaranas ang isang taong may diabetes ng pangingitim sa kanyang leeg o kili-kili dahil dulot ito ng hormonal change na insulin resistance.
IMPORTANTE: Huwag ipagsawalang bahala ang mga sintomas na nakasulat sa itaas dahil mas mainam na may kamalayan tayo sa mga ito upang hindi natin mapabayaan ang ating kalusugan.
Comments
Post a Comment