Ang langka ay isang prutas na may malaking puno, hugis bilugan na pahabang malaking bunga, na may tusok-tusok na kulay berdeng balat, kulay dilaw ang laman sa loob, may mabangong amoy at masarap na lasa. Maaari itong kainin at isama sa mga ibang lutuing pagkain.
Hindi lamang ito masarap na kainin nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa katawan at isa rin itong halamang gamot na makatutulong sa mga karamdaman o sakit. Ito ay punong puno ng nutrisyon at benepisyong taglay para sa malusog na kalusugan. Mula sa ugat, dagta, dahon at bunga nito ay nagbibigay ng benepisyo para sa ating katawan na makatutulong sa atin.
Subalit pana-panahon lamang ang prutas na langka, kaya naman hanggat mayroon nito, dapat kayong bumili at kumain nito upang makuha ang magandang benefits ng langka.
1. Laban sa k^nser
Ang langka ay may nilalaman na kayang labanan at pigilan ang k^nser cells sa ating katawan. May kakayahan rin itong protektahan ang colon, baga at labanan ang oral cavity c^ncer dahil sa kakayahan nitong linisin ang mga toxins sa ating katawan na nagiging sanhi ng sakit. Ito rin ay may taglay na nagpapalakas sa ating katawan kaya nalalabanan nito ang pagbuo ng bad cells sa ating katawan at nalalabanan ang mga sakit.
2. Makaiiwas sa sakit sa puso
Ito ay may kakayahan na makaiiwas sa pagkakaroon ng sakit sa puso at iba pang koneksyon nito. Mayaman ito sa bitamina at punong puno ng nutrisyon na kinakailangan ng ating katawan na makatutulong sa tamang pagdaloy ng dugo sa katawan na makakaiwas sa pagtaas ng blood pressure sa katawan at problema sa puso.
3. Laban sa Anemia
Nagtataglay ng mga bitamina at nutrisyon na kinakailangan ng ating katawan ang bunga ng langka na makatutulong sa maayos na produksyon ng dugo sa katawan. May kakayahan rin itong mapalakas ang pagtanggap ng iron sa katawan, kaya makatutulong itong maiwasan ang pagkakaroon ng anemia.
4. Proteksyon sa Mata
May bitamina at iba pang nilalaman na taglay ang langka na makatutulong sa paglinaw ng mga mata at may kakayahan na maproteksyonan ito para mailayo sa pagkakaroon ng sakit sa mata.
5. Para sa Diabetes
Ang pagkakaroon ng mataas na blood sugar ay sanhi ng kakulangan ng manganese sa katawan kaya mainam na kumain ng langka dahil ito ay mayaman sa manganese na makatutulong sa pagkontrol sa dami ng blood sugar sa ating katawan.
Comments
Post a Comment