Talaga namang napakasarap kainin ng PIPINO. Isama man ito sa vegetable salad, ibabad sa suka, ilagay sa iniinom na tubig, at kung ano pa ay ma-eenganyo kang talagang kainin ito dahil masabaw at crunchy pa.
Ngunit bukod pa dito, isa rin itong pagkain na recommended para sa mga gustong magbawas ng timbang dahil nakakapag-detoxify ito ng katawan at mapapanatili kang busog at hydrated. Kaya narito pa ang mga nakakamanghang benepisyong maaari mong makuha kung kumain ka ng pipino araw-araw!
1. Nakapagpabawas ng timbang
Ang pipino ay mababa sa calories kaya kahit makarami ka ng kain nito ay hindi ka tataba. Ang isang full serving nito ay nasa 30 calories lamang. Bukod sa masarap na, healthy pa.
2. Nagde-detoxify ng katawan
Kung gusto mong linisin ang loob ng iyong katawan, kailangan mo itong idetoxify. At ang pagkain ng pipino araw-araw ay makakatulong dito dahil ang gulay na ito ay puno ng fibers at antioxidants.
3. Pang-iwas sa bad breath
Talagang kahiya-hiya ang magkaroon ng mabahong hininga. At kadalasan, ito ay nakukuha dahil sa mga pagkain na ating kinakain araw-araw. Ngunit kung gusto mong mapanatiling fresh at mabango ang iyong bibig, dalasan mo ang pagkain ng pipino. Maaari rin itong isama sa iniinom na tubig.
4. Pang-iwas sa stress
Ang stress ay nagdudulot ng masamang epekto sa katawan. Maaari itong magsanhi ng maagang pagtanda, problema sa puso, at iba pa. Ngunit kung kumain ka ng pipino araw-araw, makakakuha ang iyong katawan ng nutrisyon at multiple B vitamins na nakakatulong pakalmahin ang katawan, iwasan ang pagkabalisa, at bawasan ang nakakasirang epekto ng stress.
5. Nakakabuti sa digestion
Ang pagkain ng pipino ay benepisyal sa katawan dahil sa taglay nitong fiber na kailangan para sa maayos na pagtunaw ng pagkain. Kung nakakaranas ka rin ng acid reflux, kumain ng pipino dahil nakakatulong itong pataasin pansamantala ang stomach pH upang hindi mo na ito maranasan,
6. Nakakapagpabuti sa kondisyon ng puso
Ang pipino ay nagtataglay ng potassium na sinasabing nakakatulong sa pagpapababa ng blood pressure. Importante rin ito sa katawan para sa normal growth at pampalakas ng mga muscles.
Comments
Post a Comment