Kung ikaw ay mahilig sa pagkaing sagana sa protina, tataas din ang iyong uric acid level sa katawan. At kung sumobra ito, maaari itong magdulot ng iba't ibang karamdaman gaya na lang ng gout, kidney stones, at kidney failure.
Kung napapansing palaging sumasakit ang iyong mga joints, maaring senyales na ito na mayroon kang mataas na uric acid level sa katawan. Upang mapababa ang uric acid level sa katawan, narito ang mga natural na pagkain na makakatulong sayo!
1. Bayabas
Ang prutas ng bayabas ay nakakapagpaiwas sa pagkakaroon ng mataas na level ng uric acid sa katawan. Maaari mo itong iblend at saka inumin araw-araw. O mas masusytansya pa kung kainin mo na lamang mismo ang bunga.
2. Saging
Ang saging ay nagtataglay ng mga iba't ibang bitamina na kayang inormalize ang level ng uric acid sa katawan. Maaari mo itong iblend at lagyan ng gatas upang maging banana milkshake at inumin ito araw-araw.
3. Apple Cider Vinegar
Nakakatulong ito na ma-purify ang iyong katawan, alisin ang mga toxins at sobrang uric acid. Upang maging epektibo ito, ihalo ito sa iyong tubig at inumin 3 beses sa isang linggo. I-mix ito sa tubig upang maibalik ang natural na pH balance ng katawan.
4. Lemon
Ang lemon juice ay nakakatulong na ibalik ang alkaline balance ng ating katawan kaya naman may kakayahan din itong ineutralize ang uric acid levels. Ihalo lamang ang lemon juice sa maligamgam na tubig at inumin ito kada umaga.
5. Pinya
Ang pinya ang natatanging prutas na mayroong bromelain, ito ay isang mixture ng enzymes na mayroong medicinal effect sa katawan. Ayon sa mga pag-aaral, ito ay nakakatulong sa pagdecompose ng uric acid crystals sa katawan at nakakapagpaginhawa sa sakit na dulot ng gout. Maaaring iblend ang pinya at lemon juice at inumin araw-araw.
6. Tubig
Kung mas madami ang kinokonsumo mong tubig araw-araw, mas makakabuti ito dahil madaling mailalabas ang uric acid sa katawan. Maganda rin ito dahil napapalabas ang mga toxic substance sa iyong katawan.
Thanks for the information..
ReplyDelete