Mayroong mga magkasintahan na tumatagal habang buhay at sinasabing natagpuan na nga nila ang kanilang 'soulmate,' kaya talagang mapapaniwala ka na mayroon talagang forever. Ngunit mayroon din namang hindi nagtatagal at nauuwi sa hiwalayan.
Ang isa daw sa mga pinakakaraniwang rason kung bakit nauuwi sa hiwalayan ang magkasintahan o mag-asawa ay ang pagkawala ng feelings o ang pagmamahal sa isa't isa. Paano mo nga ba malalaman kung hindi ka na mahal ng iyong kasintahan?
Ayon sa mga psychologists, ito daw ang mga malinaw na senyales na ipinapakita ng iyong asawa/ partner kung nawala na ang pagmamahal niya sayo. Kung nararanasan na ang mga senyales na ito, iwasan na ang pagdurusa sa inyong relasyon at oras na para may baguhin ka.
1. Wala na siyang interest sayo at hindi na nagpapakita ng pagmamahal
Sa madaling salita, wala na siyang pake sa inyong relasyon. Hindi na siya gumagawa ng effort para magkaroon kayo ng quality time. At ang mas masakit pa ay may kinahuhumalingan na siyang iba kaya siya nangangaliwa.
2. Hindi na siya nakikinig sayo at wala siyang oras pag-usapan ang mahalagang bagay
Kung wala na siyang interest makipag-usap sayo, malamang wala na rin siyang interest na pakinggan ang iyong mga hinaing. Pakiramdaman din kung umiiwas siyang pag-usapan ang mga mahalagang bagay.
3. Hindi mo na nararamdaman ang kanyang suporta
Masama sa isang relasyon ang hindi pagsuporta sa iyong partner. Kung palagi na lamang siyang may dahilan kaya hindi ka niya masuportahan, pagisipan kung dapat muna bang maghiwalay ang inyong landas.
4. Palagi ka na lamang sinisisi sa mga nangyayari at sa inyong mga problema
5. Wala na siyang interest sa nangyayari sa iyong buhay
Dapat lang na magkaroon ka ng pake sa buhay ng iyong partner. Dahil ang relasyon hindi pwedeng iyan ay 'one way' lang. Hindi maganda ang tanggap ka lamang ng tanggap, dapat ay marunong ka ring umunawa, magbigay, at ibalik ang pagmamahal sa iyong kapareha.
6. Gumagawa siya ng plano sa kanyang buhay na hindi ka kasama
Isa lamang ang ibig sabihin nito, HINDI KA NIYA PRIORITY! Kung talagang mahal ka niya, isasama ka niya sa mga plano niya at sa ikakabuti ng inyong relasyon.
7. Mas pinapaboran ang oras sa kanyang mga kaibigan kaysa sayo
Ang tanong, sino ba ang mas importante sa kanya, ikaw o ang mga kaibigan niya? Tama lang na dapat ay may oras siya sa kanyang mga kaibigan at social life. Ngunit kung mas pinapaboran na niya ang mga ito at wala ng oras sayo, mag-isip isip ka na.
8. Sinasaktan ka niya ng pisikal
Huwag ka nang maging martir para tiisin ang pag-aabuso niya sayo at pananakit niya sayo ng pisikal. Iwanan mo na ang taong abusado dahil baka ito lang ang ikapahamak ng iyong buhay. Dahil kung totoong mahal ka niya, hindi ka niya sasaktan ng pisikal.
9. Hindi ka niya binibigyan ng oras para magpaliwanag
Kung wala na siyang pake sa mga paliwanag mo, ibig sabihin lang nito na hindi ka na importante sa kanya.
10. Puro mga pangit at masasamang pangyayari sa inyong relasyon na lamang ang kanyang iniisip at bukambibig
Kung lagi na lamang na negatibo ang kanyang naiisip sa inyong dalawa, maaaring (1) Kinamumuhian ka na niya at (2) Gusto ka na niyang alisin sa buhay niya. Kaya kung hindi na nadadaan sa mabuting usapan ang inyong pagtatalo, makakabuti kung maghiwalay na lamang kayo.
Comments
Post a Comment