Skip to main content

Ito Ang Mga Rason Kung Bakit Nahihirapang Mabuntis Ang Isang Babae




Ang pagdadalang tao ng isang babae ang isa sa mga pinaka-challenging na maaaring mangyari sa buhay ng isang babae. Pero ang pagkakaroon ng anak naman ang isa sa mga pinakamasayang pangyayari sa buhay ng mag-asawa. 

Isa ba kayo sa mga mag-asawa o babaeng sabik ng magkaroon ng anak ngunit nahihirapang magbuntis? Ito pala ang mga possibleng rason kung bakit nahihirapang mabuntis ang isang babae.

1. Stress

Bukod sa stress sa trabaho, relasyon, pamilya, etc., kung palagi mong iniisip kung bakit hindi ka nabubuntis ay isa rin itong rason na maaaring makadagdag sa iyong stress sa katawan. Kaya iwasan ang sobrang pag-iisip, sa halip bigyan ng oras ang iyong sarili na magrelax. O maaaring magbakasyon muna kayong mag-asawa.


2. Mababa ang iyong BMI o Body Mass Index

Ang body mass index ay ang timbang ng isang tao base sa kanyang taas (height). Kung ang BMI ng isang tao ay mababa, maaaring siya ay anore xic, bulimic, o mayroong eating disorder na ang ibig sabihin ay hindi siya healthy kaya nahihirapan ang kanyang katawan na magdalang tao. Kung sakali man na nabuntis ang isang taong may low BMI, may tiyansa siyang magkaroon ng preterm birth.

3. Problema sa sp*rm count ng iyong asawa

Ang pagkakaroon ng mababang sp*rm count sa mga lalaki ay isa ring dahilan kung bakit nahihirapang mabuntis ang isang babae. Maaaring ikonsulta ang iyong kondisyon sa inyong doktor upang mabigyan kayo ng payong medikal.

4. Paglalagay ng mga lalaki ng cellphone sa kanilang bulsa

Ang madalas na paglalagay ng mga lalaki ng cellphone sa kanilang bulsa ay mapanganib sa kalusugan ng kanilang sp*rm. Dahil ang mga gadgets na ito, lalo na kung nakaconnect sa wi-fi ay nag-eemit ng electromagnetic radiation na nakakapagdulot ng damage sa kanilang sp*rm. Ganoon din ang pagpapatong ng laptop sa kanilang hita. Kaya kung napapansin niyo ang iyong asawa na ginagawa ito ay sabihan siya.

5. Hindi pagkakaroon ng sapat na tulog

Kung ang mga babae ay hindi nagkakaroon ng sapat na tulog, tumataas ang kanilang anxiety level na maaaring makaimpluwensya sa kanilang fertility at menstrual cycle. Sa mga lalaki naman, maaaring humina ang kanilag immune system ay makapagdulot ng iba't ibang imp*ksyon at implamasyon na nakakasira sa kanilang sp*rm.


6. Pagkakaroon ng sobrang timbang

Ang pagkakaroon ng tamang timbang ng mag-asawa ay kailangan upang magkaroon ng malusog na pagbubuntis. Dahil ang pagkakaroon ng sobrang timbang sa mga babae ay pwedeng magdulot ng kahirapan sa kanilang mga obaryo na gumana ng tama.

Paalala: Ilan lamang ito sa mga rason kung bakit nahihirapang mabuntis ang isang babae. Marahil may kanya- kanyang pa ring mga rason ang bawat isa, ngunit mabuti na malaman ang mga ito upang agad mabigyan ng solusyon. 



Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...