Kung tayo ay tatanungin kung ano ang pinakamaruming parte ng ating katawan, maaaring marami ang magsasabi na ang pwet ang pinakamadumi. Siguro dahil dito tayo nagdudumi, ngunit bukod dito ay mayroon pa palang ibang parte sa ating katawan na pinamumugaran ng mga bakterya at tinuturing na madumi.
Kaya kung hindi kayo aware kung ano ano ang mga ito, narito at alamin ninyo upang maging conscious sa paglilinis nito!
1. Bibig
Ang ating bibig ay maaaring pamugaran ng milyong milyong bakterya kung ito ay hindi regular na nalilinis. Gustong ng mga bakterya ang moist na kapaligiran kaya mainam silang mamuhay at dumami sa loob ng ating bibig. Kaya kinakailangan din ang regular na dental check up upang matiyak na walang nabubulok na ngipin.
2. Kili-kili
Nagtataka ba kayo kung bakit mabilis mangamoy maasim ang iyong kili-kili? Dahil yan sa mga organismong namumuhay dito lalo na kung pawisin ang iyong kili-kili. Kaya siguraduhing maligo araw araw at tiyakin na nasasabong mabuti ito upang matanggal ang mga bakterya na nagdudulot ng masangsang na amoy.
3. Kuko
Dahil sa mga iba't ibang bagay na nahahawakan natin, hindi natin namamalayan na napapasa ang iba't ibang bakterya sa paghawak. At mas nanunuot pa ang mga ito sa ating mga kuko na kung naisubo ito sa ating bibig ay mapanganib sa ating kalusugan. Kaya panatilihing maiksi ang mga kuko at maghugas ng kamay bago kumain.
4. Dila
Gaya ng bibig, maaaring pamugaran din ng mga bakterya ang ating dila na nagdudulot ng mabahong hininga. Kaya siguraduhing malinis din ang dila kapag nagsepilyo.
5. Pusod
Ang pusod ang isa mga hindi napapansing parte ng katawan at kaya nakakaligtaan ding linisin. Maaaring maging pugad ito ng mga mikrobyo dahil ito ay tago. Kaya ugaliing linisin ito habang nagliligo.
6. Tenga
Ang earwax ang siyang nagbibigay ng proteksyon sa ating tenga upang hindi makapasok ang anumang mikrobyo. Ngunit kung hindi ito nalilinisan ay pwedeng pamugaran ng mga parasitiko na maaaring magdulot ng parasit!c dis**se.
(
ReplyDeleteUlol HHAHAHAHA bobo loob ng tiyan ang pinaka madumi sa boong katawan
ReplyDelete