Ang guyabano ay kilalang prutas na kinakain ng karamihan. Ito rin ay isa sa mga paboritong kaining prutas ng mga Pinoy. Ang puno nito ay may tamang laki lamang, kulay berde na patusok-tusok ang bunga nito na ang laman sa loob ay kulay puti at masabaw na may lasang matamis at maasim. Ang dahon nito ay kulay berde na makinis. Tumutubo ito sa maraming lugar dito sa mundo kasama na rito ang Pilipinas.
Ang prutas nito ay nagtataglay ng maraming bitamina at magandang benepisyo sa katawan. Isa ito sa mga pinakahealthy na prutas. Maaari rin itong gawing sangkap sa paggawa ng ice cream, candy, shake, at juice.
Ang dahon nito ay nagtataglay rin ng maraming benepisyo. Ginagamit itong halamang gamot para ipang-gamot o ipanglunas sa mga sakit. Maaari itong gawing tsaa at inumin kapalit ng kape. Maaari rin dikdikin ang dahon at gamiting pang-gamot.
1. Diabetes
Ang pag inom ng pinaglagaan ng dahon ng guyabano ay makatutulong sa taong may diabetes. Sa pag inom nito matutulungan na mapababa ang blood sugar at mapanatitili ang tamang dami ng asukal sa katawan.
2. High Blood
Makatutulong din sa taong may hypertension o high blood. Ang pag-inom ng guyabano tea ay tumutulong magpababa ng high blood pressure. May kakayahan rin itong magpababa ng cholesterol sa katawan para makaiwas sa pagtaas ng blood pressure at maging sanhi ng stroke.
3. Pagpapadami sa Bre@st Milk Production
Ang mga bagong silang na sanggol ay kumukuha ng kanilang pagkain, at lakas sa gatas ng kanilang ina. Ngunit paano kung hindi sapat ang nakukuhang gatas sa kanilang ina? Ang paginom ng pinaglagaan ng dahon ng guyabano ay makatutulong sa pagpapadami o pagpapalabas ng gatas sa isang ina. Makatutulong rin ito para sa nutrisyon ng bata at para sa malusog na kalusugan.
4. Pagpapatibay ng Buto
Ang prutas at dahon ng guyabano ay may taglay na calcium na tumutulong para sa pagpapatibay ng buto sa ating katawan. Mainam na kumain at uminom ng pinaglagaan ng dahon nito para sa ikatitibay at matibay na buto sa katawan. Makatutulong rin ito sa pagpapalakas ng immune system.
Ang pagkain ng prutas at paginom ng dahon ng guyabano ay makatutulong sa taong may c****r. Makatutulong rin itong makaiwas sa sakit na ito dahil sa taglay na bitamina at iba pang nilalaman nito. Ang paginom ng guyabano tea ay tumutulong na protektahan ang iyong katawan laban sa c****r at sa pagbaba ng side effects ng chem0therapy. Ayon na rin sa pagaaral ay may taglay ang guyabano tea na 10,000 times na lakas kaysa sa chem0therapy. Tumutulong na labanan ang c****r cells sa katawan. Kaya’t mainam na kainin at inumin ang dahon ng guyabano para makatulong na labanan ang sak!t na ito at maiwasan.
Comments
Post a Comment