Maraming maaaring mangyari kapag tayo nasa isang biyahe dahil hindi nawawala ang disgrasa sa mga daan, mga banggaan, pagkawala ng control ng sasakyan, o ano pa man na nagiging sanhi ng aksidente. Kaya dapat na sundin ang mga rules and regulation para malayo sa mga maaaring mangyari at laging lapatan ng pagiingat.
Ngayon, tatalakayin natin ang delikadong pag-upo sa sasakyan na hindi dapat gawin dahil napakadelikado nito.
Nakasanayan mo bang itaas ang iyong mga paa sa dashboard ng sasakyan kapag nasa nakasakay sa kotse? Alam mo ba na dapat mo itong iwasan o hindi dapat na gawin dahil ito ay napakadelikado dahil sa mga maaaring mangyari na hindi inaasahang disgrasya sa daan.
Ang pag-upo sa sa sasakyan habang nakataas ang paa sa dashboard ay delikado sa ano mang aksidente na mangyari dahil pwede kang mabalian ng paa, maputulan ng paa, maaaring tumama ang iyong tuhod sa iyong bungo o skull na makakapagpa fracture nito, posibleng magkaroon ng bali na balakang o magkaroon ng pasa at trauma sa eiyong ulo dahil hindi mapo-proteksyunan ng airbag ang iyong katawan dahil sa nakaharang ang iyong mga paa sa labasan nito.
Marami nang nadisgrasiya na nakataas ang kanilang mga paa sa dashboard kaya naman dapat maging aware tayo upang makaiwas sa mas malalang pangyayari.
Kung susundin ang tamang pag upo at naka seat belt ay maiiwasan ang mas malalang mangyayari kapag nakasagupa ng disgrasya o maaring walang ano mang matatamong sugat dahil sa airbag ng sasakyan.
Ika nga “Nasa Huli ang Pagsisisi” kaya’t marami ang nagsisisi sa mga nakaranas na ng ganitong sitwasyon. Ikaw gugustuhin mo pa bang maranasan ito? Kaya dapat iwasan mo na itong gawin o ang mas pinakanararapat ay hindi mo ito gagawin para sa mas maayos na kalagayan at walang pagsisihan sa bandang huli.
Kaya kapag binabawalan kang huwag itaas ang iyong mga paa sa dashboard nang sasakyan ay nararapat na ito’y sundin dahil para ito sa pagkaiwas sa maaring mangyari sayo.
Kaya’t laging tatandaan ang mga patakaraan para sa maayos na pagsakay at laging lapatan ng pagiingat ang pag drive sa mga daan. Mas mainam din na huwag uulitin ang pagkakamali ng ibang tao.
Have a safe ride and drive!
Comments
Post a Comment