Ang ating lungs o baga ay isang napakaimportanteng organ dahil ito ang nagbibigay ng hangin sa ating katawan upang makahinga. Ang pagpapanatili ng malusog na lungs ay importante dahil kung hindi, ito ay maaaring magdulot ng iba't ibang problema sa paghinga.
Narito ang mga senyales na dapat mong pagtuunan ng pansin dahil maaaring sinasabi nito na madumi ang iyong lungs para mabigyan agad ito ng atensyon!
1. Malubhang ubo o chronic cough
Kung ang iyong pag-ubo ay tumagal nang isang buwan o higit pa at hindi ito matanggal tanggal, ito ay isang senyales na may problema ka sa iyong respiratory system. At kung nararanasan mo ito, huwag itong balewalain dahil maaari itong makadamage sa iyong lung tissue.
2. Patuloy na pagkakaroon ng plema o mucus production
Ang plema o mucus ay isang defense mechanism ng katawan kapag ang iyong airways o daluyan ng hangin ay inf*cted o irritated. Ngunit hindi dapat ito tumagal ng isang buwan dahil possibleng magdulot ito ng mas malalang lung problems.
3. Kinakapos o kawalan ng paghinga
Ang kinakapos na paghinga ay maaaring dulot ng problema sa puso o baga. Ang kondisyong ito ay nangangailangan ng agarang atensyong medikal dahil posibleng maapektuhan ang iyong puso at iba pang organs kapag nawalan ng sapat na oxygen ang iyong katawan.
4. Pag-ubo na may kasamang dugo
Ang pag-ubo na may kasamang dugo ay isang senyales na nakakaalarma dahil maaaring ito ay isang seryosong medical condition. Ito ay pwedeng isang imp*ksyon, problema sa mga blood vessels, TB, at ang mas malala ay lung c*****.
5. Pagsakit ng dibdib
Ang pagsakit ng dibdib ay hindi dapat basta binabalewala dahil ito ay isang warning sign. Ang senyales na ito ay maaaring sinasabi na ang iyong lungs ay apektado kaya ka nakakaranas ng pags*kit sa dibdib partikular kapag ikaw ay humihinga o umuubo.
6. Wheezing
Ang wheezing ay ang matinis na tunog na lumalabas kapag ikaw ay humihinga. Ang senyales na ito ay karaniwan kapag mayroong bumabarang foreign object sa iyong airways o kapag masikip ang daluyan ng hangin papunta sa iyong baga.
NARITO ANG MGA DAPAT MONG GAWIN UPANG MAIWASAN ANG PAGIGING MADUMI NG IYONG LUNGS:
1. Iwasan ang paninig*rilyo
Ang usok sa sigar*lyo ang nakakapagpadumi sa ating mga baga. Kahit ito ay nalalanghap mo lamang, ito ay nakakasama pa rin ito sa ating lungs.
2. Magsagawa ng deep breathing exercises
Makakatulong ang deep breathing na ipurify ang iyong lungs. Isagawa ito sa loob lang ng kalahating oras araw-araw.
3. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa antioxidants
Ang pagkain ng pinya o paginom ng pineapple o cranberry juice ay nakakatulong upang labanan ang mga bakteryang nagdudulot ng impeksyon sa baga.
Comments
Post a Comment