Ang Durian ay kilalang prutas sa Davao City. Ang prutas na ito ay nagtataglay ng mga magagandang benepisyo sa katawan. Maraming hindi may gusto sa taglay ng tapang ng amoy nito. Ang iba ay nandidiri sa amoy nito ngunit marami rin naman ang may gusto nito.
Ang prutas na durian ay nagtataglay ng mga benepisyong nakapagpapalakas ng immune system, maiwas sa sakit sa kanser o makatutulong sa paggamot nito, nakapagpapatibay rin ito ng mga buto, panlaban sa anemia at sa sakit sa puso.
Nitong August ay pinagdiriwang ang Kadayawan Festival sa Davao City. Patok na patok rito ang iba’t ibang klase ng mga durian. Bukod pa rito iba-iba ang mga kulay nito at meron ring hindi matapang ang amoy.
Itinampok rin ang iba’t ibang klase ng mga lutuin na hinaluan ng ipinagmamalaking durian ng mga Davoeno. Makikita ang mga ordinaryong mga lutuin ngunit kapag tinikman ay malalasahan ang mga kakaiba nitong twist na lasa dahil sa hinalong prutas na durian. Ilan lamang ang mga ito sa isang buwan na selebrasyon ng Kadayawan.
Alamin ang mga ilang uri ng Durian na matatagpuan sa Davao:
1. Native
Ito ang kilalang orihinal na durian sa bansa na may karaniwang puting laman pero maaari rin na kulay dilaw. Ito ang may pinakamatibay na lasa sa lahat ng mga klase ng durian.
2. Graveolens
Ang durian na ito ay may tatlong kulay na laman, makapal at mabigat. Ang kulay niito ay pula, dilaw at orange. Ito rin ay may masarap na amoy kaysa sa ibang durian at ang lasa ng kulay pulang laman ay kapareha ng nuwes. Ang dilaw naman ay creamier.
3. Mamer
Ito katutubong klase ng durian na hango sa pangalan ni Mamerto Fernandez na isang pinakamahusay na katutubo. Ang laman nito ay isang kulay na dilaw na may lasang matamis at malagkit.
4. Puyat
Ito ay may kulay na dilaw na laman at may lasang mapait na matamis lasa. Isa ito sa mga malalaking klase ng durian dahil ang timbang ng durian na ito ay maaaring tumimbang ng pitong kilo at ang puno nito ay nagbubunga ng isang daan.
5. Alcon Fancy
Ang klaseng durian na ito ay bihirang ibinebenta sa mga pamilihan dahil direktang bumibili ang mga tao sa sakahan na kung saan ay ibinibigay lamang. Ang laman nito ay makapal at maliwanag na kulay dilaw na may matamis at bahagyang mapait na lasa. Ito ay may malumanay na amoy.
Ano ang mga magandang benepisyo ng Durian?
1. Nakakatulong mapalakas ang immune system
2. Para sa maayos na digestive system
3. Pampababa ng Altapresyon
4. Mayroong Anti-aging property
5. Nakakatulong sa Overall Bone Health
Comments
Post a Comment