Ang pagkakaroon ng oily skin o malangis na mukha ay maaaring isang beauty problem. Nagiging ganito ang balat dahil ang sebaceous glands ay over-active at nagpo-produce ng sobrang sebum, ito ay ang parang langis na lumalabas sa mukha.
Ito ay isang nagiging problema dahil maaaring magdulot ito ng skin problems gaya ng acne, blackheads, whiteheads, malalaki at baradong pores. Narito at alamin ang tungkol dito at paano maiwasan!
BAKIT NAGKAKAROON NG OILY SKIN?
- Genetics/ namamana
- Sobrang paggamit ng mga beauty products
- Pagbabago ng panahon
- Hormonal changes
- Stress
- Maling gamit ng skin care products
- Vitamin deficiency
MGA PARAAN PARA MAWALA ANG OILY SKIN
1. Cleansing
Ang deep cleansing ay kailangan ng iyong balat upang magkaroon ng healthy skin. Hugasan ang iyong mukha ang mild cleanser at maligamgam na tubig 3 beses sa isang araw upang matanggal ang excess oil at hindi magbara ang mga pores. Pagkatapos nito banlawan gamit ang malamig na tubig upang magsara ang mga pores.
2. Ice cube facial
Kadalasan, ang mga taong may oily skin ay dahil nakabukas ang kanilang mga pores. Upang magsara ang mga ito, subukan ang simpleng beauty tip na ito. Pagkatapos hugasan ang mukha, ipahid ang ice cube sa mukha. Ang ice facial na ito ay epektibo sa pagpapaliit ng pores, pang-hydrate, mabawasan ang pamamaga ng mata, pampaganda ng sirkulasyon ng dugo at pang-improve ng skin glow.
3. Egg white face mask
Ang paggamit ng egg white face mask o puti ng itlog ay makakatulung upang maging malambot at makinis ang balat sa mukha. Maaaring gawin ang simpleng tip na ito upang matanggal ang excess oil. Ito ang iyong kakailanganin: 1 kutsara ng egg white at 1 kutsarang honey. Paghaluing mabuti. Iapply sa mukha at iwanan sa loob ng 5 minuto hanggang matuyo. Banlawan ang mukha.
4. Apple Cider at pipino juice
Ang apple cider vinegar ay isang magandang natural skin firmer at oil controlling toner. Samantalang ang juice ng pipino naman ay nakakapagbigay sa makinis at glowing skin. Upang ma-prepare ang solution na ito, maghalo lamang ng 3 kutsarang pipino juice sa 1 kutsara ng apple cider. Ibabad ang bulak sa solution na ito at ipampahid sa mukha. Hayaan sa loob ng 3 minuto bago banlawan ng malamig na tubig.
Comments
Post a Comment