Dahil sa pabago-bagong panahon, ang flu ngayong taon ay sinasabing mas malala kaysa sa mga nakaraang taon dahil mas malakas at madami ang nagkakaroon nito at mas mabilis na kumalat.
Nagtriple rin ang mga kaso na nahospital ngayong taon sa mga taong nagkaroon ng flu. Sinasabi rin na nagkakaroon ng mas malalang sintomas at maaari rin itong ikam^tay.
Alam mo ba kung ano ang flu? Ito ay isang uri ng sakit na pangkaraniwan na naaapektuhan ang ilong, lalamunan, at baga na sanhi ng impeksyon. Ang flu ay kilala rin sa pangkaraniwang tawag na trangkaso. Maraming tao ang naaapektuhan nito dahil sa madaling makalat ang virus, mula sa mga taong may sipon, lagnat at ubo.
Madaling malalaman ng isang tao na mayroon siyang flu dahil sa init ng katawan o pakiramdam. Basahin ang mga sumusunod na sintomas na maaaring maranasan o nararanasan ng taong may flu.
1. Lagnat
Ang karaniwang nararamdaman na magkakalagnat, pakiramdam na mainit na katawan ay isa sa pangunahing sintomas ng flu. Ang lagnat o sinat ay tumutukoy sa pagtaas ng temperatura ng isang tao na maaaring mas tumaas ng tumaas pa kaysa sa normal na temperatura ng isang tao. Sa pagkakaroon ng lagnat ay maaaring makaranas ng pagkaginaw.
2. Pang-hihina at Pananakit ng katawan
Ang pagkakaroon ng flu ay makakaramdam din ng panghihina at pananakit ng katawan. Ang pakiramdam na ito ay kaakibat rin ng pagkakaroon ng lagnat at kasamat rin ng lagnat ang pananakit at panghihina ng katawan.
3. Pananakit ng ulo
Mararamdaman ang pananakit ng ulo kapag tinamaan ng flu. Maaaring paunti-unti ang pagsakit, pakirot-kirot at maaari rin matagal ang mararamdamang sakit, sa pakiramdam na ito ay magiging iritable o nayayamot.
4. Pagsusuka at Pagkahilo
Ang pagkakaroon ng flu ay isa rin sa mararamdaman ang pagsusuka at pagkahilo. Ang pagkalagnat ay akibat rin nito ang makaramdam ng pagsuka at pagkahilo.
5. Sipon, Ubo at Pananakit ng lalamunan
Ang sipon, ubo at pananakit ng lalamunan ay epekto ng pagkakaroon ng flu at isa rin sa sintomas na mararamdaman. Kung nakakaramdam ng mga ganitong karamdaman ay lapatan na ng lunas para hindi lumala ang nararamdaman.
Ang mga sumusunod na sintomas ay maaaring maranasan kapag napasukan ang katawan ng infection at madali rin makahawa ang mga sintomas na tulad ng pag-ubo,sipon at lagnat dahil sa virus na taglay nito.
Comments
Post a Comment