Ano ang Sore Throat o Pamamaga ng lalamunan?
Ang pamamaga ng lalamunan o sore throat ay nagdudulot ito ng pananakit, iritasyon o pangangati ng ating lalamunan. Maaring mahihirapan kang lumunok ng mga pagkain at inumin. Ang sak!t ng lalamunan ay pangunahing sintomas ng pamamaga ng lalamunan. At maaring magkaroon pa ng iba pang sintomas tulad ng tuyong lalamunan, pamamaga ng glandula sa leeg, puting tagpi sa tonsils at pagkapaos.
Narito ang mga 7 halimbawa na maaring gamiting panlunas sa Sore Throat o Pamamaga ng lalamunan.
1. Asin at Tubig
Ang asin at tubig ay nakakatulong sa pag lunas ng sore throat o pamamaga ng lalamunan.
Ito ay nakakatulong para luminis at i-neutralize ang acid sa lalamunan, narerelieve din ang burning sensation na nararamdaman at ito ay mabisang panglunas.
Kumuha lamang ng maligamgam na tubig sa isang baso, lagyan ito ng asin at ito ay paghaluin. Maaari ring dagdagan ng isang kutsarang Listerine para makatulong sa pagpuksa ng bacteria sa lalamunan. Imumumog lamang ito hanggang sa maubos ang nasa basong tubig.
2. Lemon, Honey, at Tubig
Ang Katas ng Lemon ay nakakatulong para mawala ang pamamaga ng lalamunan. Mag timpla lamang ng lemonade mula sa sariwang katas nito. Haluan pa ito ng hone upang mas maging epektibo. Ang honey ay natural na antibacterial at makatutulong para mawala ang bacteria na nagdudulot ng pamamaga ng lalamunan.
3. Luya, Honey, and Lemon in water
Ang honey, lemon at luya ay mayroong antibacterial properties. At nakakatulong itong makagamot sa namamagang lalamunan. Ang mainam na gawin lamang dito ay kumuha ng
1 kutsarang powdered o tinadtad na luya at honey, 1⁄2 tasang mainit na tubig, at 1⁄2 katas ng lemon. Paghaluin ang tubig at luya, ilagay ang lemon juice at honey, at ito ay imumumog.
4. Clove tea
Ang Cloves ay nagtataglay ng antibacterial at anti-inflammatory properties na nakakatulong upang maibsan o mapagaling ang sore throat o pamamaga ng lalamunan. Ito ang kailangang gawin kumuha ng 1 o hanggang 3 kutsarang powdered or ground cloves at ihalo sa tubig. Paghaluin ito at imumog.
5. Tomato juice
Ang antioxidant properties ng lycopene ay nakakatulong para mapagaling ng mabilis ang sore throat. Paano ito gawin? Kumuha ng 1/2 tasang tomato juice at 1/2 tasang mainit na tubig, at 10 drops ng hot pepper sauce.
6. Green Tea
Ang Green Tea ay kilala na natural na panlabas sa mga imp*ksyon. Magtimpla lamang ng isang tasang green tea. Maaari itong inumin at maaari din itong imumog para maalis o matanggal ang bacteria na nagdudulot ng sore throat.
7. Apple cider vinegar at asin
Kung ang iyong lalamunan ay masak!t at nagdudulot ito ng iyong pag ubo ay kumuha lamang ng isang bote ng apple cider vinegar dahil ang germs ay hindi makakasurvive sa acidic coating na magfoform sa iyong lalamunan. Ito ang dapat na gawin, kumuha ng 1 kutsarang apple cider vinegar at 1 kutsarang asin na natunaw sa may maligamgam na tubig at ipangmumog ito sa umaga pagkagising.
Comments
Post a Comment