Sapagkat tayo ay tao lamang, hindi tayo perpekto. Nakakagawa tayo ng mga bagay bagay na minsan ay hindi maganda. Gayunpaman, hindi na rin mawawala ang pakiramdam ng pagseselos at pagkainggit.
Ngunit paano nga ba malalaman kung ang isang tao ay naiinggit o nagseselos sayo? Narito ang mga senyales na kanyang ipinapakita at ipinaparamdam sayo.
1. Pekeng pakikitungo
Hindi talaga mawala-wala ang mga taong peke at plastic. Ang mga uri ng taong ito ay kapag kaharap ka nila ay puro papuri at maganda ang pakikitungo sayo ngunit kapag talikod mo na ay kung anu-anong paninira na ang sinasabi sayo. Mag-ingat sa mga ganitong klaseng tao dahil nagkukunwari lamang sila pero may masama palang hangarin.
2. Pilit ka nilang hinihila pababa
Dahil sa kagustuhan nila na sila ang nasa pwesto mo o nasa kanila ang tagumpay, ang gagawin nila ay hihilain ka nila pababa. Gagawa sila ng mga bagay na ikakabagsak mo upang sila ang umangat.
3. Ipinagyayabang ang kanilang naabot sa buhay
Maging ito man ay pagka-promote sa trabaho, pagkakaroon ng bagong gamit, at kung ano-ano pa, hindi sila magdadalawang isip na ipagmayabang at ikumpara ito sa kung anong meron ka. Dahil ang gusto nilang patunayan ay mas angat at mas magaling sila kaysa sayo.
4. Hindi sila masaya kapag ikaw ay nagtatagumpay
Ang isang taong naiingit o nagseselos sayo ay naiinis kapag ikaw ay nakakamit ng tagumpay. Hindi nila kayang maging masaya para sayo dahil ang totoo ay hindi nila matanggap na ikaw ay nagtatagumpay.
5. Ikinatutuwa nila kapag ikaw ay pumalpak
Ito ang kabaligtaran naman ng nasabi sa number 4. Ang isang taong may "plastic" na pag-uugali at naiingit sayo ay natutuwa kapag nakikita ka niyang pumapalpak. Dahil ang tingin niya ay mas lamang siya sa yo.
6. Sinisiraan ka sa iba
Ang isang taong naiingit sayo ay kadalasang naghahanap ng kakampi at iniimpluwensyahan ang mga ito na mag-isip ng masama tungkol sayo. Madalas na ikaw ang kanilang pinagchi-chismisan ng kung anu-ano at ginagawan ka ng mga pangit na kwento at ipinagkakalat kahit hindi naman totoo upang ito ay iyong ikasira. At ipinagpipilitan nila na hindi ganoon ka-importante ang iyong natamo.
7. Mainit ang dugo sayo kahit wala ka namang ginagawang masama sa kanila
Minsan ay hindi mo mawari kung bakit bigla na lang galit o mainit ang dugo ng isang tao sayo kahit na wala ka naman ginagawang masama sa kanya. Maraming tiyansa na siya ay naiingit, insecure, o pinagseselosan ka. Mas mabuting iwasan na lamang ang mga taong ito at huwag patulan dahil wala rin naman kahihinatnan ito.
8. Mahilig silang gayahin ka
Ang ibang taong naiingit ay kadalasang ginagaya nila ang kanilang taong kinaiinggitan. Ito ay dahil gusto nilang makuha ang atensyon ng ibang tao upang sila naman ang mapansin. Makikita mo na lamang na ginagaya nila ang iyong pananamit, pagkilos, pagbili ng mga gamit gaya ng sayo o mas hinihigitan pa nila ito. Ang mga ganitong klaseng tao ay huwag mo na lang pansinin dahil kulang lang sila sa atensyon.
Comments
Post a Comment