Nais ng bawat mag-asawa na magkaroon ng kanilang sariling anak. Ngunit minsan, dahil sa pagiging baog ng isa sa mag-asawa ay kaya hindi mabuntis ang isang babae. Ngunit kung wala naman sa inyo ang baog pero hindi pa rin kayo makabuo ng sanggol, maaaring dahil sa mga natatagong dahilan na ito:
1. Pagkonsumo ng mga pagkaing may trans fats
Ang mga pagkaing mayaman sa trans fats ay ang mga nakakapagpataas sa iyong bad cholesterol at nakakapagpababa naman sa good cholesterol. Ang madalas na pagkain ng ganito ay may masamang epekto sa ating kalusugan. Ito ay ang mga pagkain gaya ng chitchirya, fried foods, preserved foods, etc na may negatibong epekto sa fertility.
2. Over-exercising
Importante ang mag-ehersisyo araw-araw dahil nakakapagpa-improve ito sa iyong fertility. Ngunit dapat malaman ang tamang ehersisyo na para sayo. Dahil ang pago-overexecise ay may epekto sa energy balance at may negatibong epekto sa iyong reproductive cycle. Ang pagsasagawa ng matagal at mabibigat na ehersisyo ay maaaring magdulot sa iyo ng kahirapan sa pagbubuntis.
3. Mababa ang iyong body mass index (BMI)
Upang makapagdalang-tao ang isang babae ng normal at healthy, kailangan siya ay may tamang timbang. Ang mga babaeng may mababang BMI ay may tyansang magkaroon ng ovarian dysfunction, pagkabaog, at preterm birth.
4. Nai-istress kayong mag-asawa sa ideya ng pagbubuntis
Ang ilang mga mag-asawa, kaya sila nahihirapang makabuo ay dahil naiistress sila sa ideya nang pagbubuntis. Maaari rin na ibang bagay ang nakakapagdulot sa kanilang ng stress tulad ng trabaho, pamilya, at social life.
5. Hindi tama ang pagcalculate ng araw kung kailan ka fertile
Sa mga babaeng may irregular na period, mas mahihirapan sila na matrack ang araw kung kailangan sila fertile. Makakabuti na ikonsulta sa doktor kung ikaw ay may ganitong nararanasan upang magbigyan ka niya ng payo sa mga dapat mong gawin.
Comments
Post a Comment