Lahat tayo ay gusto na magkaroon ng malusog na pangangatawan dahil sino ba naman ang ayaw mabuhay ng matagal at healthy? Marahil gusto mo rin magkaroon ng slim at toned figure ngunit hindi mo alam kung bakit patuloy ka pa ring tumataba.
Dahil yan sa mga bagay na nagagawa natin araw-araw na hindi natin namamalayan ay nakakasama na pala sa kalusugan. Narito ang bad habits na dapat mo nang iwasan kung gusto mo nang matanggal ang sobrang taba sa katawan.
1. Hindi pagkain sa tamang oras
Akala ng iba, na kapag ipinagpaliban nila ang kanilang pagkain ay mas mabilis silang papayat. Ito ay mali, dahil magbabago ang iyong sistema. Babagal rin ang iyong metabolismo na siyang magiging sanhi ng iyong hindi pagpayat. Dapat sundin ang regular na oras ng pagkain.
2. Over eating
Ito ay kadugtong ng nasabi sa no. 1. Kapag hindi ka kumain sa tamang oras, mas mabilis kang gugutumin. Kaya ang resulta ay mas mapapakain ka ng maraming calories. At dahil bumagal ang iyong metabolismo, ang mga calories na ito ay maiiwan ng matagal sa katawan na siyang dahilan ng iyong pagtaba.
3. Pagkonsumo ng mga unhealthy na pagkain
Alam niyo ba na ang hindi pagkain ng almusal ang isang rason kung bakit patuloy kang tumataba. Dahil sa pagpapaliban sa pinakamahalagang 'meal of the day' mas napapakain ka ng mga hindi masustansyang pagkain buong araw.
4. Pagpapayat sa maling paraan
Napakarami nang nagsisilabasang produkto na pampapayat ngayon. At bago magdesisyon na gamitin ang mga ito ay dapat na ikonsulta muna sa doktor. Dahil maaari ito ay epektibo sa ilan at sa iba naman ay hindi. Kaya mas mainam na maging maingat bago gumamit ng mga ito.
5. Pag-upo ng mahabang oras
Ang ganitong klaseng pamumuhay ay tinatawag na sedentary lifestyle. Ito ay kung saan limitado lang ang iyong paggalaw sa buong araw halimbawa: pagupo ng matagal, paghilata ng buong araw, etc. At kapag ang katawan ay nagkakaroon ng minimal movements, hindi masusunog ang taba sa katawan na siyang dahilan ng pagiging mataba.
6. Maling oras ng pagtulog
Ang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog ay may malaking epekto sa katawan. Bukod sa nakakapagdulot ito ng iba't ibang karamdaman sa puso, maaari rin ito maging sanhi ng stress at pagdagdag ng timbang.
Comments
Post a Comment