Habang tumatanda ang isang tao, ay bumabagal na rin ang kanyang metabolismo. Kaya naman ito ang nagiging dahilan ng pagtaba. Ang maling pagpili ng pagkain ay mag-rereflect sa iyong kalusugan kapag nagsimula ka nang tumanda. Kaya habang maaga pa ay dapat "healthy foods" lang ang iyong kinakain.
Kapag tumungtong ka na sa edad na 30 pataas, dapat ay bawas bawasan mo na ang pagkain ng mga unhealthy foods. Narito ang mga listahan ng pagkain na dapat mo nang bawasan o iwasan.
1. Carbonated drinks
Ang mga inuming mataas ang sugar content gaya ng softdrinks at juice ay ang isang dahilan kung bakit tumataba ang isang tao. Hindi maganda ang artificial sugar o sweeteners sa katawan dahil madaming ito naidudulot na masama gaya ng tooth decay, poor nutrition, at obesity.
2. Instant and Canned goods
Karamihan sa mga taong laging on-the-go sa trabaho ay hindi na nakakapag-prepare ng kanilang mga baon. Kaya ang resulta ay kumakain na lamang sila ng mga instant foods at de lata. Ang mga ito ay nakakasama sa katawan sa katagalan dahil sa taas ng salt content at dami ng preservatives ng mga ito.
3. Yogurt with flavorings
Kung nais mong magdiet, ang yogurt ang isa sa mga pagkaing dapat mong isama sa iyong diet dahil sa good bacteria na taglay nito. Pero piliin ang yogurt na plain o walang flavorings dahil kapag ito ay may flavor, mas madami ang laman nitong sugar. At kung ikaw ay nasa edad ng 30, iwasan mo na ang mga pagkaing matatamis dahil nakakapagpalala ng wrinkles.
4. Inuming may @lak
Kung gusto mong mapreserve ang elasticity ng iyong balat, bawasan na ang paginom ng al@k. Dahil habang tumatanda ka, hindi na nagiging maganda ang kinalabasan nito sa iyong katawan.
5. Chips
Ang mga chitchirya ay gumagamit lamang ng mga synthetic flavors upang mabigyan ng lasa ang mga unhealthy foods na ito. Iwasan na ang pagkain nito dahil hindi maganda ang sobrang alat na pagkain sa kalusugan ng ating kidneys.
6. Soy sauce
Gaya ng asin, ang mga condiments gaya ng patis at soy sauce ay dapat limitahan na rin ang pagkonsumo kapag ikaw ay tumatanda na. Dahil ang mga ito ay nagtataglay ng mataas na sodium salt na may epekto sa ating mucus membranes, pagbuo ng mga kidney stones, at salt deposits sa mga joints.
Comments
Post a Comment